Sumulat ng isang pahayag na binubuo
ng tatlong pangungusap tungkol sa
kung paano mapahahalagahan ng isang
Pilipino ang mga katutubong disenyo na
mayroon tayo.
Kailangan lang po now na
Share
Sumulat ng isang pahayag na binubuo
ng tatlong pangungusap tungkol sa
kung paano mapahahalagahan ng isang
Pilipino ang mga katutubong disenyo na
mayroon tayo.
Kailangan lang po now na
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang Pangkalahatang Kapulungan,
Pinapatnubayan ng hangarin at prinsipyo ng Charter ng United Nations, at mabuting paagtitiwala
sa pagpapatupad ng mga obligasyong inako ng mga Estado kaalinsunod sa Charter,
Naninindigan na ang mga katutubo ay kapantay ng lahat ng tao, bagaman kinikilala ang
karapatan na pagkakaiba ng lahat ng tao, pagsasaalang-alang sa pagkakaiba, at paggalang sa
kakanyahan,
Naninindigan din na ang lahat ng tao ay nakapag-aambag sa pagkakaiba-iba at kayaman ng
sibilisasyon at kultura, kung saan ay nakakaambag sa kabuuan ng pamana ng sangkatauhan,
Naninindigan din na ang lahat ng mga paniniwala, panununtunan at kagawian o itinataguyod na
kahusayan ng tao o indibidwal batay sa pinagmulang bansa, lahi, relihiyon, katutubo o pagkakaiba ng
kultura ay rasismo, walang siyentipikong batayan, walang ligal na pinagbabatayan, kasuklamsuklam
at hindi makatarungan,
Masidhing pinaninindigan na ang mga katutubo, sa pagsasagawa ng kanilang karapatan, ay
karapat-dapat na maging malaya sa anumang diskriminasyon,
Nababahala na ang mga katutubo ay nagdurusa ng walang katarungan sa mahabang panahon
sanhi ng kolonisasyon at pag-agaw sa kanilang mga lupain, nasasakupan at likas na yaman, na
nagiging hadlang upang maisagawa, sa partikular, ang kanilang karapatang umunlad ayon sa
kanilang mga pangangailangan at kapakanan,
Kinikilala ang kagyat na pangangailangan na galangin at itaguyod ang likas na karapatan ng mga
katutubo na nagmula sa kanilang pulitika, ekonomiya at panlipunang estraktura at kultura, espiritwal
na tradisyon, kasaysayan at pilosopiya, lalo na ang karapatan sa kanilang mga lupain, nasasakupan at
likas-yaman.
Katulad rin na pagkilala sa kagyat na pangangailangan na galangin at itaguyod ang karapatan ng
mga katutubo na pinagtitibay ng mga tratado, mga kasunduan at iba pang makatutulong na balakin
ng mga Estado,
Malugod na tinatanggap ang katotohanan na ang mga katutubo ay nagoorganisa ng kanilang mga
sarili para sa kanilang pulitikal, economiya, sosyal at kultural na pagpapaunlad upang tapusin ang
anumang uri ng diskriminasyon at panggigipit sa alinmang pagkakataon,
Sinasang-ayunan na ang pamamahala ng mga katutubo hinggil sa pag-unlad na makakaapekto sa
kanila at kanilang mga lupain, nasasakupan at likas-yaman ay makakatulong sa pagpapanatili at
pagpapatatag ng kanilang mga institusyon, kultura at tradisyon, at upang maitaguyod ang kanilang
pag-unlad na naaayon sa kanilang mga adhikain at pangangailangan.