Sumulat ng isang sanaysay na may tatlong talata tungkol sa pansariling. karanasan na nagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan
(papel napanlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na pampolitikal). Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
Share
Verified answer
Sagot:
Isa sa mga bagay na nangyari sa ating mundo ang nag bukas ng maraming opurtunidad para makatulong sa iba ay ang Pandemyang nararanasan natin ngayon, ang papel na panlipunan at pampolitikal ay umusbong nang mabuti sa kasagsagan ng pandemyang ito. Nariyan ang pag papatupad ng Bayanihan Act, na siyang nag bibigay ng ayuda at ang Community Pantry o tulong sa bawat mamamayang Pilipino.
Ang Bayanihan Act. ay pinag laanan talaga nang malaking pondo ng bansa ng sa gayon sa kasagsagan ng mahigpit na lockdown at community quarantine. Marami ang nakinabang at nagalak sa ayudang ito na siyang malaking tulong para sa nag hihikahos. Marami man ang sumilip sa halaga ng salaping pinamimigay ay hindi pa rin ito naging hadlang.
Isa pa sa bagay na nag bigay ng malaking tulong ay ang pag tatatag at pag kakaroon ng Community pantry sa iba't ibang panig ng bansa, ang community pantry ay isang napakalaking tulong lalo na noong mga panahong hindi na nag bibigay ang Gobyerno ng ayuda. Ang community pantry ay para sa lahat, noong naitatag ito ay libong tao ang dumagsa at tumulong para mas mapalawig pa ang sakop nito ng sa gayun ang tulong ay mas maiparating sa mga mas nangangailangan pa. Ang community pantry ay libre, ngunit ito ay nag bibigay ng paalala na “Magbigay ayon sa kakayahan. Kumuha batay sa pangangailangan"
Para sa karagdagang kaalaman, bumisita lamang sa links na ito:
brainly.ph/question/902901
brainly.ph/question/7898460
#BrainlyEveryday