Sumulat ng isang sanaysay na nagpapahayag ng iyong saloobin sa kahalagahan ng pagganap ng sailings tungkulin sa pagsulong ng kamalayang pambansa tungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon. (o.o.t.q = report) thanku
Home
/
Sumulat ng isang sanaysay na nagpapahayag ng iyong saloobin sa kahalagahan ng pagganap ng sailings tungkulin sa pagsulong ng kamalayang pambansa tungo sa pagkabuo ng
Answer:
Ang kahalagahan ng pagganap ng sariling tungkulin sa pagsulong ng kamalayang pambansa tungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon ay nakatutulong na iangat ang bansa kaysa magpabigat.
Ang bawat isang mamamayan ng Pilipinas ay may mga karapatan pero may kaakibat din itong tungkulin at responsibilidad. Upang sumulong ang bansa, ito ang mga nararapat gawin ng bawat isa sa atin:
Mag-aral. Ang pag-aaral ay required sa elementarya, at may public school hanggang sekondarya. Bukod dito, may mga state universities din at mga scholarship program para suportahan ang pag-aaral ng mga deserving ngunit walang pera na mag-aaral para magpatuloy sa kolehiyo.
Kahalagahan: Kung mag-aaral ang bawat mamamayan, tataas ang literacy rate ng bansa. Magkakaroon tayo nang mas maraming propesyunal at angkop sa trabaho na skilled workers. At ito ay makatutulong sa bansa natin na maiwasan ang brain drain at brawn drain.
Magtatrabaho. Malaki ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa base sa iba’t ibang rason tulad ng hindi qualified, hindi akma ang tinapos sa available na trabaho, o kaya naman ay walang oportunidad.
Kahalagahan: Ang pagtatrabaho ay nangangahulugan ng pagtustos sa pangunahing pangangailangan ng pamilya. Ang kahirapan ay repleksyon ng mahirap na bansa, kaya kapag napataas natin ang porsyento ng mga nagtatrabaho, lalago din ang bansa natin kalaunan.
Pagsunod sa batas. Ang pagsunod sa mga alituntunin ay sumisimbolo ng disiplinadong mga mamamayan.
Kahalagahan: Ang disiplina ay kaakibat ng kaunlaran. Tingnan na lang natin ang mga bansang Singapore at Japan. Ang pagiging madisiplina nila ay nakatulong sa iba pang aspekto ng kanilang pagkabansa. At dahil dito, naging maunlad ang bansa nila.
Para sa dagdag na kaalaman:
Tungkulin ng Mamamayang Pilipino - brainly.ph/question/2388343
#BrainlyFast