sumulat ng isang sanaysay tungkol sa mga magagandang epekto o dulot ng pagsasayaw.
Share
sumulat ng isang sanaysay tungkol sa mga magagandang epekto o dulot ng pagsasayaw.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:pwede na po ba to pa brainlest nalang po or rate star nalang po
Explanation:6 na benepisyo ng Zumba sa katawan
1. Nakakabawas ng timbang
Ang mga simpleng sayaw sa zumba ay epektibong paraan ng pagpapapawis, kung kaya’t nakatutulong ito sa pagbabawas ng timbang. Ang isang oras ng pagsasayaw sa zumba ay maaaring makasunog ng 800 hanggang 1000 calories o taba sa katawan.
2. Nakakapagpaganda ng hubog ng katawan
Kasunod ng kabawasan sa mga taba ng katawan ay ang unti-unting pagganda ng hugis at hubog ng katawan. Maaaring ma-develop ang mga kalamnan sa hita, balikat, at tiyan.
3. Nakakabawas sa stress
Siyempre pa, ang masayang tugtugin at aliw na hatid ng pagsasayaw ay epektibo ding nakakabawas sa stress na dinadala ng isang tao. Dapat alalahanin na ang stress ay konektado sa maraming karamdaman na nararanasan ng tao.
4. Nakakapagpabuti ng koordinasyon ng katawan
Ang paggalaw ng katawan kasunod ng mga galaw ng lider na nagpapasimula ng sayaw sa zumba ay nakatutulong sa pagpapabuti ng koordinasyon ng katawan. Ang koordinasyon ng katawan ay isang mahalagang abilidad na na kailangan ng isang tao sa pang-araw-araw na trabaho lalo na sa panahon ng emergency.
5. Mahusay na paraan ng pakikisalamuha sa ibang tao
Ang pakikisalamuha sa ibang tao ay mahalagang aspeto sa buhay ng isang tao. Dahil dito, mas yumayaman ang kaalaman, kultura at pananaw ng isang indibidwal. Ang pagsasayaw sa zumba ay isang mabuting paraan ng pakikisalamuha sa iba.
6. Nagpapasaya ito
Ang Zumba bilang isang ehersisyo ay tumutulong upang maglabas ng 'endorphins' ang ating katawan. Ang endorphin ay kemikal na nililikha ng ating katawan at nagdudulot ito ng positibong pakiramdam.
Sanggunian: kalusugan.ph, "Mabuting epekto sa kalusugan ng Zumba" at Aksyon Health Workers