Sumulat ng isang talatang nagpapaliwanag o nagsasalaysay tungkol sa 'Pag-aaral sa Bagong Normal'
Share
Sumulat ng isang talatang nagpapaliwanag o nagsasalaysay tungkol sa 'Pag-aaral sa Bagong Normal'
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Answer:
"Pag-aaral sa Bagong Normal"
Maraming pagbabago sa pag-aaral ang aking naranasan ngayong bagong normal. Hindi madali dahil wala ang aking mga guro upang alalayan ako sa aking mga gawaing pampaaralan.
Tandang tanda ko pa, noong hindi pa ganito ang sistema. Gigising ako ng maaga upang maligo, kumain, at gumayak patungo sa eskwela. Yung baon ko na tipid na tipid ko dahil hindi naman malaki ang baon ko. Nakakamiss din ang aking mga kaklase at napapaisip ako, kung sakali kayang Face-to-Face pa din kami, sino kaya ang mga kaklase ko?
Tunay na napakahirap ng pag-aaral sa bagong normal. Marami akong tanong para sa aking mga guro ukol sa mga aktibiti sa modyul. Iba pa din talaga kapag kasama at kaharap ko ang aking mga guro dahil mas naipapaliwanag nila ng mas maayos ang aralin, mas madaming halimbawa, dahil hindi sila titigil magpaliwanag hangga't hindi namin nauunawaan ang aralin at mas masaya sana kung kasama kong natututo at nag-aaral mga kaklase at kaibigan ko.
Ngunit kung nahirapan ako, madami din naman akong natutunan. Mas naging responsable ako at disiplinado. Natuto akong magsagot ng aking mga aktibiti na hindi humihingi ng tulong sa aking ina o ama lalo na sa mga aktibiti na kayang kaya ko naman. Nagkaroon din ako ng pagkukusa na gawin at tapusin ang lahat ng mga aktibiti na hindi na kailangan pang sabihan ng aking ina. Natuto din akong sumunod sa aming class schedule.
Sa aking palagay, nasanay na ako sa ganitong sistema. Kung magkaroon man ng susunod na pandemya, ngunti huwag naman sana, ay alam ko na ang aking gagawain. Sabik na ako na maibalik ang Face-to-Face Classes. Sana bumalik na ang lahat sa dati.
Explanation:
Pagsasalaysay
Ang pagsasalaysay ay isang anyo ng pagkukuwento tungkol sa sariling karanasan o tungkol sa karanasan ng ibang tao.
Maaaring ito ay tungkol sa sumusunod:
• sariling karanasan
• pangyayaring nakita o nasaksihan,
• narinig o napakinggan
• nabasa
• bungang-isip o guniguni
Layunin nito ang mapagalaw ang isip sa mabisa at masining na paraan. Layunin nito ang maipahayag o magkwento ng mga pangyayari.
Katangian ng epektibo at mahusay na PAGSASALAYSAY
Matuto pa ukol sa pagsasalaysay:
brainly.ph/question/7943316
brainly.ph/question/659960
#BRAINLYFAST