Sumulat ng isang tula tungkol sa mga bayaning Pilipinong iyong hinahangaan.
Patulong naman po.
Share
Sumulat ng isang tula tungkol sa mga bayaning Pilipinong iyong hinahangaan.
Patulong naman po.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Bayaning Pilipino
Dahil tayo'y mga Pilipino,
May manang tapang mula kay Bonifacio,
At may talinong galing kay Protacio,
At may lakas ng loob na pamana ni Apolinario,
May sariling isip upang gamitin sa wasto.
Kasaysayang nag-uugnay,
Sa kabayanihang dalisay,
Mula pa noong araw,
Sa ating dugo ay nananalaytay,
Pagmamahal sa bayan na nag uumapaw,
Di ipagpapalit sa kayamanang nakaw.
Likas na sa atin ang pagiging aktibo,
Di pumapayag na ma agrabyado,
Kahit saang laban ay di tumatakbo,
Kung para sa bayan, buhay man ang katumbas nito.
Kaya sa panahong tulad nito,
Gumising ka kabayan ko,
Huwag hayaang tayo'y matalo,
Bayang sinilangan 'wag ipagkanulo,
Laban ng ating mga bayani'y ituloy mo,
Inang Bayan ay ipagtanggol mo!
by, beth m.