Sumulat ng limang pangungusap na nagsasaad ng inyong ginagawa ngayon panahon ng pandemya, habang kayo ay naghihintay na nagsimula ang klase. Pag-ugnayin ang sanhi at bunga ayon sa pangyayari. Isulat sa iyong sagutang papel ang sagot.
Ihanay sa Hanay A ang Sanhi at Hanay B ang bunga.
Halimbawa:
Sanhi
1.Tumutulong ako sa gawaing bahay.
Bunga
1.Madali naming matapos at malinis ang bahay.
(dont ans this if u dont know)
Share
Mga Pangungusap:
1.
Sanhi: Ako ay naghanda para sa aming mga darating na aralin sa pagbabalik namin sa paarlan (Online Classes).
Bunga: Naging madali na lamang saakin ang pag-intindi ng mga aralin pagbalik namin sa paaralan (Online Classes).
2.
Sanhi: Tinuruan ko ang aking mga kapatid sa pagbasa at pagsulat.
Bunga: Dahil sa aking tulong ay nagkaroon sila ng mga bagong kaalaman at nagamit nila ito sa kanilang pag-aaral matapos ang maikling bakasyon.
3.
Sanhi: Ako ay nakipagbonding sa aking pamilya.
Bunga: Kami ay naging mas malapit pa sa isa't-isa
4.
Sanhi: Inipon ko ang aking mga napamaskuhan.
Bunga: Nagkaroon ako ng sapat na pera para bilhin ang aking mga kailangan sa pag-aaral at ang mga nais kong bilhin.
5.
Sanhi: Naglaro ako at nag relax paminsan minsan kasama ang aking mga kaibigan/pinsan habang bakasyon.
Bunga: Naging masaya ako sa bakasyon at nagkaroon ng mga hindi malilimutang karanasan.