sumulat ng pangungusap sa mga sumusunod na salita 1-5:
Share
sumulat ng pangungusap sa mga sumusunod na salita 1-5:
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Mga Pangungusap Gamit ang Magagalang na Salita
1. Magandang umaga
Magandang umaga po, pabili po ng isang kilong bigas.
Magandang umaga Tatay! Mag-ingat po kayo sa trabaho.
2. Makikiraan po
Makikiraan po, kukunin ko lang po ang bag ko na nasa likuran ng upuan ninyo.
Pasensiya na nagmamadali po ako, mahuhuli na po kasi ako sa klase, makikiraan po.
3. Maraming salamat po
Ang ganda po ng regalo niyo sa akin, maraming salamat po.
Maraming salamat po Panginoon sa mga biyaya na binibigay Niyo po sa amin sa araw araw.
4. Kamusta ka
Kamusta ka na? Ang tagal nating hindi nagkita.
Nabalitaan ko ang nangyari sa pamilya mo, kamusta ka?
5. Magandang hapon po
Magandang hapon po Lolo, gusto niyo po bang magpahangin sa labas?
Ay! Kayo po pala Maam, magandang hapon po. Bakit po kayo napatawag?
Explanation:
Mga Magagalang na Salita
Ang mga magagalang na salita ay ang kadalasang ginagamit natin upang magbigay galang at respeto sa iba. Ang mga magagalang na salita ay naaangkop sa iba't ibang sitwasyon.
Pagbati
Sa pagbati, ay ginagamit natin ang mga sumusunod:
Magandang umaga.
Magandang tanghali.
Magandang gabi.
Kamusta ka?
Paghingi ng Paumanhin
Kung hihingi naman ng paumanhin ay ginagamit ang mga ito:
Pasensya na
Patawad po
Paumanhin po
Pasasalamat
Para naman sa pagbibigay at pagtanggap ng pasasalamat:
Maraming salamat po
Walang anuman
Pakiusap
Kung nakikiusap, gumamit ng salitang "paki":
Pakibigay po
Maari ba
Pakiabot po
Para sa halimbawa ng pagbibigay galang sa mga magulang, alamin sa link:
brainly.ph/question/2665201
#LetsStudy