Sumulat ng repleksyon na tumatalakay sa natutunan sa natapos na paksa, kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks. l-ugnay ito sa iyong buhay bilang isang mag-aaral at bilang kasapi ng ating lipunan. Ilagay ang inyong sagot sa loob ng nakalaang box.
Share
Answer:
Ang ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din ng iba’t ibang desisyon. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin. Rational people think at the margin.” Ang ibig sabihin nito ay sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon. Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal thinking ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat isa sa pagbuo ng desisyon. Tingnan ang pigura sa ibaba._ Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na natutungkol sa paggamit at alokasyon o pamamahagi ng mga kapos na pinagkukunang-yaman ng lipunan upang makalikha ng pinakamahusay at de-kalidad ng mga produkto at serbisyong makatutugon sa paparaming pangangailangan at hilig ng tao sa paraang pinakamatipid at pinakamabisa. a pag-aaral ng ekonomiks, inuunawa ang mga konsepto at suliranin ng kakapusan at paparaming pangangailangan at hilig-pantao, alokasyon,alternatibong desisyon, at pamamahala ng mga gawaing pamproduksyon at pangkalahatang kaunlaran.______________________________________________________________________________________