Suriin Ang sa larawan "Ito ay galing sa kuwento ng Ang gamo-gamo"(plsss help me )
Share
Suriin Ang sa larawan "Ito ay galing sa kuwento ng Ang gamo-gamo"(plsss help me )
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Pinagsabihan ng inang gamu-gamo ang kanyang anak na huwag lumapit sa apoy ng lampara para hindi siya masunog ngunit hindi nakinig ang anak. Siya ay lumipad at naglaro malapit sa apoy ng lampara at walang anu-ano ay nahagip siya ng apoy at namatay.
Kung nakinig sana ang anak sa kanyang ina, sana ay hindi siya napahamak.
Natural sa isang bata ang maging mausisa lalo na kapag may isang bagay na nakakapukaw ng atensyon. Sa kwento ng gamu-gamo at lampara, may isang batang gamu-gamo na binalaan ng kaniyang ina na huwag lumapit sa apoy dahil matutupok siya nito. Hindi nakinig ang batang gamu-gamo at patuloy pa rin sa kaniyang pagkamausisa hanggang sa nangyari na nga ang ikinatatakot ng kaniyang ina: natupok ng apoy ang mga pakpak ng batang gamu-gamo na siyang naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.
Sa ating buhay, may mga bagay na pinagbabalaan tayong huwag gawin dahil sa panganib na dulot nito. Ngunit sabi nga nila, habang mas lalong ipinagbabawal ang isang bagay, may nagiging interesado tayong gawin ito. Dahil na rin siguro ito sa kagustuhan nating hanapin ang ating limitasyon at subukin kung ano nga ba ang mayroon sa mga ipinagbabawal na mga bagay at ayaw itong iparanas sa atin. Ang interes na subukin ang limitasyong ibinibigay ng lipunan sa atin ay maaring isang kahibangan o isang pagpapakita ng tunay na katapangan.
Katulad ng gamu-gamo sa kwento, si Rizal ay isang taong sinusubok ang mga limitasyong ibinibigay ng lipunang kaniyang kinabibilangan noon. Ang istorya ng gamu-gamo marahil ang isa sa naging impluwensiya sa kaniyang kabataan na gawin ang mga mapanganib na bagay. Ang apoy, katulad ng pag-aaklas laban sa mga makapangyarihan, ay napakamapanganib. Paulit-ulit siyang pinipigilan ng kaniyang ina at ng kaniyang pamilya na itigil ang pagsalungat sa mga Kastila dahil sa panganib na magiging dala nito sa kaniyang buhay. Simula pagkabata, nakakitaan na siya ng katangiang sumalungat sa karaniwang daloy ng mga tao. Isa siyang henyong hindi napipigilang gawin ang isang bagay dahil laman idinidikta ng mga taong ito ay bawal. Ito ang dahilan kung bakit siya nasangkot sa maraming gulo simula pagkabata, ngunit ito rin ang dahilan kung bakit siya nakagawa ng pagbabago sa bayan at hanggang ngayon ay ipinagbubunyi natin ang kaniyang kagitingan.
Si Rizal, tulad ng gamu-gamo, ay lumapit sa apoy kahit na alam niyang matutupok siya nito. Sumulat siya ng mga subersibong mga aklat na nagpahayag ng pagsalungat sa mga Kastila upang mapalapit sa nakakapukaw at mapanganib na apoy ng pagbabago ng lipunan. Ang kwento ng gamu-gamo ay isa sa mga metapor na isinabuhay ni Rizal simula pagkabata. Naging kapalit man nito ay ang kaniyang buhay, si Rizal ay naging mas higit pa sa isang Pilipinong may tunay na katapangan, siya ay naging isang bayani.