SURIIN:
Anong mga salita ang naisulat mo sa mga puso sa bahaging tuklasin? Nakapagbigay din ba ng aral at magandang impluwensya sa iyong sarili ang mga karanasan ng tauhan sa salaysay na nabasa? Sa iba't ibang pamamaraan ay maipakikita ang kabutihan ng isang pamilya. Ang pagpapakita ng taos-pusong pananampalataya, pagpapatawad pakikisalamuha sa iba ay bunga ng wagas na pagmamahal. Ito ay dahil sa ipinagkaloob ng Panginoon ang pag-ibig sa tao. Ang pagiging isang modelong magulang ay nagsisilbing mabuting impluwensiya sa mga anak. Ito ay nakatutulong upang matanim sa kanilang murang kaisipan at mahubog ang kanilang mga sarili. Maraming layunin ang pamilya, isa na rito ang pangalagaan ang kanilang mga anak, na mahubog sa kanila ang pagiging responsableng indibidwal na may takot sa Panginoon. Halimbawa na lamang sa mga unang salaysay sa Tuklasin, nagpapakita ito na gaano man kalaki o kaliit ang kasalanan ng isang tao ay may puwang ang pagpapatawad sa takdang panahon sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoon na naging daan upang magpatawad. Ang ganitong gawi ау makapagmumulat at makaimpluwesya sa kasapi ng pamilya na hindi mahirap ang humingi ng patawad at magpatawad. Kung ito ay mailalapat sa sarili at mga kasapi ng pamilya, tiyak uusbong ang pag-unawa sa bawat isa. Sa ikalawang salaysay naman sa Tuklasin ay inilalarawan ang gawi ng isang tao na sa anumang yugto ng buhay unahin at huwag kalimutang tumawag sa pamamagitan ng panalangin at pagsangguni ng inga plano sa Panginoon na siyang gabay sa buhay. Kung ang bawat kasapi ng pamilya ay sama-samang magbasa ng banal na aklat, nanalangin para sa isa't isa at pagiging modelo ng magulang sa paghubog ng paniniwala ay malaki ang impluwensiya sa pagkakaroon ng matatag na pananampalataya sa Panginoon ng mga anak. Sa totoong buhay, maraming gawi ang kailangang malinang ng magulang sa sarili upang makalikha ng positibong impluwensiya sa mga anak na maaring marnana at ipagpatuloy din ng mga anak sa kani-kanilang sariling pamilya. Kung ipinakita sa isang pamilya ang pagmamahalan, magiging mapagmahal at mapagbigay sa ibang tao ang anak o kasapi ng pamilya. Kung naipakita ng magulang ang kahalagahan ng simpleng pamumuhay, magkakaroon ng mabigat na pagpapahalaga ang mga anak sa totoong kahulugan ng buhay, magiging matipid at matalino sa pagbili ng mga pangangailangan ang mga ito.
Share
Anong mga salita ang naisulat mo sa mga puso sa bahaging tuklasin? Nakapagbigay din ba ng aral at magandang impluwensya sa iyong sarili ang mga karanasan ng tauhan sa salaysay na nabasa?
ANSWER: ang aking mga naisulat sa puso ay ang pagiging mabuting tao at matulungin. nag bigay aral ito sa akin dahil nakatulong ito sa aking pag tanda at mas maraming taong aking maiimpluwensyahan.
Dahil sa ipinagkaloob ng panginoon ang pagiging modelong magulang ay nagsisilbing mabuting impluwensiya sa mga anak.