Suriin at lagyan ng ekis (x) ang titik ng pangungusap na may naiibang kaukulan ng panghalip sa pangkat. Isulat kung palagyo, palayon, o paari ang nilagyan mo ng ekis (x)
1. __________
a. Ang programang Agenda 21 kaugnay ng pagpapatupad ng likas kayang pag-unlad ay dinala ng United Nations dito sa ating bansa.
b. Ito ay bunga ng Earth Summit na tunay na nilikha para sa atin.
c. Ito ay nangangailangan ng malawakang suporta ng bawaf isa.
2. __________
a. Nagpapasalamat ako dahil namulat na ang maraming tao tungkol sa sustainable development.
b. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa sustainable development ay makatutulong nang malaki para sa atin.
c. Ang kailangan ni Inang Kalikasan ay tayo.
3. _________
a. Isipin natin kung paano pa matutulungan ang susunod na henerasyon.
b. Ito ang dapat isipin ng bawat isa habang hindi pa lubos na nasisira si Inang Kalikasan.
C. Daratnan at malalasap pa nila ang kalikasan
4. ________
a. Ang karagatan, kagubatan, kabukiran, at ligtas na kapaligiran ay kanila.
b. Sila ay mabubuhay nang matiwasay sa darating na panahon.
c. Tayo ay kikilos upang malasap ng mga tao ang ganda at yaman ng kalikasan
5. _______
a. Ang mabubuting gawain ng mga tao sa kalikasan ay ginagawa natin sa Diyos.
b. Babalik sa atin ang mabubuting bagay na ating ginagawa.
c. Tayo ay manalangin para patuloy na maging ligtas si Inang Kalikasan.
Share
Answer:
1. x c. Ito ay nangangailangan ng malawakang suporta ng bawaf isa. (Palayon)
2. x c. Ang kailangan ni Inang Kalikasan ay tayo. (Palayon)
3. x b. Ito ang dapat isipin ng bawat isa habang hindi pa lubos na nasisira si Inang Kalikasan. (Palayon)
4. x c. Tayo ay kikilos upang malasap ng mga tao ang ganda at yaman ng kalikasan (Palagyo)
5. x a. Ang mabubuting gawain ng mga tao sa kalikasan ay ginagawa natin sa Diyos. (Palagyo).