Suriin at Tukuyin: Isulat ang A sa patlang bago ang bilang kung anaporik at K - kataporik
ang gamit ng sinalungguhitang panghalip sa sumusunod na pahayag.
1. Si Badeth ay matalik kong kaibigan. Siya kasi ay mabuti sa akin.
2. Nakatira ako sa baryo Milagrosa. Doon rin nagpatayo ng bahay ang aking
ina.
3. Siya ang kapatid kong mahilig kumain ng prutas.
4. Ito ang ballpen na ginamit ko sa pagwawasto.
5. Sila ang mga bisitang kanina pang hinihintay ng aking kapatid.
6. Si Anna at si Andy ay magkapatid. Itinuturing din nilang matalik na
kaibigan ang isa't isa.
7. Dito pala sa Camp Vicente Lim IS nag-aaral ang mahuhusay na bata ng
Canlubang.
8. Ako at si Ben ang mangunguna bukas sa palatuntunan kaya pinayagan na
kaming umuwi nang maaga kanina.
9. Nahirapan si Tricia sa unang pagsusulit kaya sinigurado niyang hindi na ito
maulit pa.
10. Nasira ang bag ko. Ito pa naman ang ginagamit ko araw-araw.
11. Kumusta na kaya ng mga kaibigan ko sa probinsya? Naaalala rin kaya
nila ako?
12. Siya ay si Bb. Cruz na walang pagod na nagtuturo sa kanyang mga
minamahal na mag-aaral.
13. Malimit lumabas ng silid si Lito dahil hinihintay niya ang kanyang ama.
14. Sa paaralan tayo natututong mag-aral nang mabuti. Dito rin tayo
nagkaroon ng malalapit na kaibigan.
15. Malimit magalit si Aling Lina kaya nilalayuan siya ng marami.
Share
Answer:
1.A
2.A 3.A
4.K
5.A
6.A
7.A
8.A
9.K
10.A
11.A
12.A
13.K
14A.
15.A
Explanation: