Suriin
Mga Sanhi sa Paglulunsad ng Ikalawang Yugto ng kolonyalismo at Imperyalismo
Ang mga kaganapan sa ikalawang Rebolusyong Industriyal ay nasabayan ng paghubog ng
makabagong imperyo pagdating ng ika-19 na dantaon at sa pagsisimula ng ika-20 na siglo.
Napakinabangan ng husto sa panahong ito ang paglago ng Rebolusyong Siyentipiko. Daglian ang
paglawak ng pagkakanluranin o westernization ng ibang lupain dahil sa mga imbensyon sa teknolohiya at
agham na nagpabilis sa mga paglalayag ng mga Europeo. Nag-udyok din sa paggalugad ang matinding
pangangailangan sa mga hilaw na materyales para sa pamilihan at sa mga itinayong mga industriya sa
Europa.
Paraan at Lawak ng Pananakop
1. Manifest Destiny - ay ang ideya o paniniwala na ang United States ay itinadhana at pinagkalooban
ng Diyos, na palawakin ang pamamahala nito at maikalat ang demokrasya at kapitalismo sa buong
kontinente ng Hilagang America.
2. White Man's Burden ay doktrina ng mga Europeo na tungkulin nila at ng kanilang inapo na ang
mga katutubo ng mga kolonyang hawak nila ay mapangibabawan ng kanilang progresibong
sibilisasyon.
3. Protectorate - ay ang pagkakaloob ng proteksiyon laban sa paglusob ng ibang bansa.
4. Concession - ay ang pagkakaloob ng pribilehiyong makapagnegosyo ng mga kanluraning bansa.
5. Sohere of Influence ay isang rehiyon o maliit na bahagi ng bansa na kontrolado ng
maimpluwesiyang bansa sa pamamagitan ng pangagasiwa sa mga patakaran at ibang pampulitikang
aspeto nito.
Share
Answer:
yes po paraan ng mga lawak ay pananaw or pananakop
Explanation:
I hope and brainliest answer po