Tagpo Tumango lamang ako. Hudyat para malaman niyang naintindihan ko ang lahat ng kaniyang bilin.
Tila masyadong abala ang aking mga kapatid sa kani-kanilang propesiyon. Paano ba naman kasi, lahat sila ay kailangang maglingkod para sa bansa. Bakit ba kasi nagkaroon pa ng ganitong sakit sa Pilipinas eh. Hindi tuloy ako puwedeng lumabas at maglakwatsa.
Habang mag-isa sa aming tahanan. Naisipan ko na lamang maglinis ng bahay. Inuna ko ang kuwarto nina Ate Coleen at Ate Cylla. Magkasama lang naman sila sa iisang kuwarto. Nakita ko ang damit nilang pantrabaho na nakakalat sa higaan. Niyakap ko ito at saka pumikit.
Faith: Ano kayang pakiramdam maging nars? Ang sarap siguro magligtas ng buhay ng iba ano? Kaya lang, masakit din siguro sa pakiramdam kapag hindi mo nailigtas iyong pasiyente mo. (Kausap ko ang aking sarili).
Sinunod ko naman ang kuwarto ng aking Ate Carol. Napakalinis at walang anomang makikitang nakakalat sa lapag. Hindi katulad ng kuwarto nina Ate Coleen at Ate Cylla. Nakita ko rin ang kaniyang baril. Malinis din ito at alagang-alaga. Ngunit mas gusto ko ang kaniyang uniporme. Plantsadong-plantsado.
Faith: Maisukat nga. Hindi naman malalaman eh. (Bulong ko sa sarili). Habang suot-suot ko ang uniporme ni ate, tuluyan na akong dinala ng aking
imahinasyon sa giyera.
Faith: Pang! Pang! Pang! Sumuko ka na para hindi ka masaktan. (Natatawa na lang ako sa sarili ko dahil para akong bata).
Hinubad ko na ang umiporme ni ate. Baka kasi maabutan niya pa akong suot-suot ko ito.
Sunod naman akong pumunta sa kuwarto ni Kuya Juanito. Hindi na ako naglinis dahil maayos naman ang loob nito. Bumalik na lamang ako sa sala para manood ng TV.
Habang hinihintay ko ang kanilang pag-uwi, naghanda na ako ng makakain.
Umupo na ako sa lamesa at saka nagsalita.
Faith: Kakain na tayo
Carol: Napakasarap naman ng inihain mo bunso.
Cylla: Tandaan mo mahal na mahal ka namin ha?
Juanito: Mag-iingat ka palagi bunso.
Faith: Bakit parang nagpapaalam naman kayo? Aalis ba kayo?
Pagtapos ng hapunan ngiti ang ibinigay nila sa akin. Isang malamig na ngiti. Ngiting kahit kalian ay hindi ko na makikita pa. Natapos ang aking pagmumuni-muni sa nakaraan nang biglang may kumatok sa pinto. Fiona: Ma'am Faith, ayos lang po ba kayo riyan? Dinalhan ko po kayo ng makakain.
Mahigit dalawang taon na rin pala simula noong mag-isa na lang ako sa bahay. Pagtapos kasi ng gabing iyon ay hindi na sila nakauwi pa sa amin. Ni hindi ko man lang sila o nahawakan noong sila ay dapuan ng corona virus, namayapa silang hindi ko man lamang nasilayan.
Faith: Kung totoo mang may superhero, para sa akin, ang mga frontliners iyon sapagkat nagbuwis sila ng buhay para sa iba. Kahit na may sari-sarili silang
pamilya. Pinunasan ko na lang ang mga luha ko saka bumulong.
Faith: Nagsakripisiyo kayong lahat para sa iba, tapos ako, iniwan niyong mag-isa.(please po need answer,)
Share
Answer:
Tauhan:
1. Faith - ang bida ng kwento, isang kapatid ng mga frontliners na may mga iniisip tungkol sa kanilang propesiyon at mga biktima ng COVID-19.
2. Ate Coleen, Ate Cylla, Ate Carol, at Kuya Juanito - mga kapatid ni Faith na mga frontliner at naka-assign na maglingkod sa bansa.
Dayalogo ng Bawat Tauhan:
1. Faith - nagmumuni-muni sa kanyang bahay habang nag-iisa at naglilinis. Inaalala niya ang kanyang mga kapatid at naiinggit sa kanilang propesiyon. Nag-aalala rin siya sa COVID-19 at hindi makalabas ng bahay. Sa dulo, nang malungkot dahil naiwan siya ng mga kapatid, hindi sila nakauwi ng bahay at namatay dahil sa COVID-19.
2. Ate Coleen, Ate Cylla, Ate Carol, at Kuya Juanito - hindi direktang nagsasalita sa kwento, ngunit nabanggit ng bida dahil si Faith ay isang nag-iisang naiwan sa bahay.
Sosyo-Historikal na Konsepto:
Ang kwento ay nagpapakita ng epekto ng COVID-19 sa isang pamilya ng mga frontliner. Ipinakita din kung paano nag-aalala ang bida sa kanyang mga kapatid na nakikipaglaban sa pandemya. Ipinapakita rin ng kwento ang tungkulin at sakripisyo ng mga frontliner sa bansa sa gitna ng pandemya.