TAKE HOME ACTIVITY
Basahin ang El Filibusterismo
Itala sa papel sa ano-anong kabanata matatagpuan at itinampok sina:
TAKE HOME ACTIVITY
Basahin ang El Filibusterismo
Itala sa papel sa ano-anong kabanata matatagpuan at itinampok sina:
✓ Kabesang Tales
✓ IIsagani
patulong po plssss
kahit si kabesang tales and isagani lang po plssss
Share
Answer:
Kabanata IV Kabesang Tales Si Tandang Selo ang umampon kay Basilio. Ang ama ng dalagang si Lucia, si Kabesang Tales, na anak ni Tandang Selo, ay isa nang kabesa de baranggay. Yumaman ito dahil sa tiyaga. Nakisama muna sa isang namumuhunan sa bukid. Nang makaipon ng kaunti ay naghawaan ng gubat na nang ipagtanong niya ay walang may-ari, ar ginawa niyang tubuhan. Inisip niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay Basilio na kasintahn nito. Nang ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle. Pinabuwis si Kabesang Tales. Tinaasan nang tinaasan ang pabuwis. Di na nakaya ni Kabesang Tales. Nakipag-asunto sa mga prayle. Matigas ang sabi ni Kabesang Tales. Ipinakita ng mga prayle ang kanilang titulo sa lupa. Wala. Naging kawall si Tano. Di Ibinayad ng kapalit ang anak. Anya: Binungkal ko't tinamnan ang lupang ito, namatay at nalibing dito ang aking asawa't anak na dalaga (si Lucia) sa pagtulong sa akin kaya't di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kanyang dugo at maglilibing muna ng kanyang asawa't mga anak. At anya pa rin ukol sa pagiging kawal ni Tano, ako'y bumabayad sa abogado. Kung mananalo ako sa asunto ay alam ko na ang aking gagawin upang siya'y mapabalik; nguni't kung ako'y matalo, di ko na kailangan ang anak. Tinanuran ni Kabesang Tales ang kanyang bukid. Lagi siyang may pasang baril. Di makapasok doon ang sino man dahil balita si Kabesang Tales sa pagbaril. Nagdala siya ng gulok. Balita sa arnis ang kabesa. Ipinagbawal ang gulok. Nagdala siya ng palakol. Si Kabesang Tales ay nahulog sa kamay ng mga tulisan at ipinatubos. Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas liban sa isang locket o agnos na bigay sa kanya ni Basilio. Hindi rin nakasapat ang panubos. Ipinasyang mangutang kay Hermana Penchang at maglingkod dito bilang utusan. Noon ay bisperas ng Pasko.
ANSWER:
El filibusterismo kabanata 4 Buod -Kabesang tales Si tandang selo na umampon nuon sa gubat kay Basilio ay matanda na. Ang anak nitong si Kabesang Tales ay isa ng Kabesa de Baranggay.May tatlo itong anak sina Lucia, Tano at Juli. Namatay si Lucia at ang kanyang asawa dahil sa malaria. Sina Tano at Juli na lamang ang buhay. Yumaman na sila dahil sa tiyaga. Nakisama si Kabesang Tales sa namumuhunan sa bukid at ng makaipon ng kaunti ay nagbungkal ng lupa sa gubat. Nang maipagtanong na walang may ari sa naturang lupa ay ginawa niya itong tubuhan.. Inisip din niyang pag aralin na sa kolehiyo si Jull upang mapantay kay Basilio na kasintahan nito. Nang umunlad ang bukid ay inangkin ito ng mga prayle at pinagbayad ng buwis si Kabesang Tales.Tinaasan ng tinaasan ng mga pari ang buwis at ng di na kinaya ng Kabesa ay nakipag asunto ito sa mga prayle Dinala ni Kabesang Tales sa korte upang maayos ang problema. Ngunit natalo ang Kabesa dahil nasa ilalim ng impluwensiya ng mga prayle ang gobyerno. Nang tuluyan ng hindi makabayad ng buwis si Kabesang Tales ay ipinaglaban parin niya ang lupa sa pamamagitan ng pagbabantay dito. Sa kanyang pagbabantay ay nagdala siya ng barilna kinumpiska ng prayle. Sumunod ay itak naman ang kaniyang dinala ngunit ipinagbawal Itong mull ng mga pari.Sa huli ay palakol na lamang ang dinala ng Kabesa sa pagbabantay. Kalaunan ay dinakip ng mga tulisan si Kabesang Tales dahil may perang nakita sa kanya at nakakapagbayad ng abogado para sa kaso niya. Ipinatubos naman siya sa halagang 500. Upang may maipantubos sa ama ay ibinenta ni Julia ang kanyang mga alahas liban sa bigay ng kanyang nobyo na isang laket na pagmamay ari ni Maria Clara. Nang di sumapat ang perang pantubos ay namasukan siyang katulong sa tahanan ni Hermana Penchang. Bisperas noon ng pasko kaya kinabukasan ay maninilbihan na siya bilang isang alila. Dahil sa pangyayaring ito ay hindi na nakapag aral si Juli.