A. Pagbasa/Talakayan: Bilang isang bata, may mga tungkulin ka sa iyong mamamayan at makisangkot sa mga napapanahong isyu tulad sa panahon ng trahedya maging ito man ay bunga ng natural na mga pangyayari tulad ng bagyo, pagputok ng bulkan, lindol, o di kaya'y mga sakunang narasan dahil sa kapabayaan ng tao, tulad ng sunog, baha, at aksidente sa kalsada. Sa mga pangyayaring ito dapat nating gawin ay tumulong sa abot ng ating makakaya, tumulong sa mga nangangailangan lalong lalo na ang mga biktima ng kalamidad. Maghanap tayo ng lider o tayo'y maging lider sa paggawa ng babala o impormasyon kung may bagyo, baha, sunog, lindol at iba pa. Upang maipamahagi natin ang ating mga kakayahan. Pagkakawanggawa- ay kilos ng kabutihan at awa sa mga mahihirap at nagdurusa, dahil sa kaisipan na kapag nabigyan ng benepisyo ang mga nangangailangan, uunlad din ang buong lipunan. Pagkamahabagin - ay isang pakiramdam ng pagbibigay ng awa at habag para sa isang tao dahil sa isang pangyayari o sitwasyon. Ang pagkakaroon ng habag sa kapwa ay isang kabutihang asal na dapat taglayin ng isang tao.
Share
Answer:
oo dapat maging bukas palad tayo na tumulong sa ating kapwa para maipakita natin na tayo ay may malasakit sa ating kapwa.Dahil yan ang katangian ng isang mabuting tao