Talakayin ang inyong pananaw hinggil sa mga sumusunod:
1.Inilahad sa Ched Memo 20,Serye ng 2013 ang Kurikulum ng Pangkahalatang Edukasyon (General Education Curriculum) na kinabibilangan ng mga sumusunod na assignatura: Understanding the self (Pag-unawa sa sarili);Readings in the Philippine History (Mga Babasahin hinggil sa kasaysayan ng Pilipinas); The Contemporary World (Ang kasalukuyang daigdig); Mathematics in the modern world (matematika sa makabagong daigdig); Purposive Communication (Malayuning Komunikasyon); Art Appreciation (Pagpapahalaga sa Sining); Science, Technology and Society (Agham,Teknolohiya at Lipunan); Ethics (Etika).Kung bubusiin Ang enumerasyon,mapapansin na nawala ang assignaturang Filipino dito.Naging depensa ng Komisyon na hindi naman ganap na nawala ang Filipino sapagkat inilagay ito bilang assignatura sa Senior High School.Idinagdag pa nila bilang paliwanag na ang enumerasyon ng mga assignatura sa bagong kurikulum (New General Education Curriculum) ay maaaring ituro gamit Ang wikang Filipino.
Share
0 Replies