Tayahin
Bilang isang mag-aaral, isulat ang iyong saloobin o reaksyon tungkol sa mga sumusunod na sitwasyon sa panahon ng Enhanced Community Quarantine. Gumamit ng magagalang na pananalita sa iyong sagot.
1. Naglabas ng napakalaking halaga ang pamahalaan upang mabigyan ng ayuda ang lahat ng mamamayang Pilipino ngunit hindi lahat ay nabigyan nito. Ano ang masasabi mo tungkol dito?
2. Hinuhuli ng mga awtoridad ang mga taong pasaway na lumalabag sa quarantine protocol at sila ay pinagagawan ng community service. Sang-ayon ba kayo sa pinapagawa ng awtoridad?
3. Kahit nasa ECQ sa ating lugar, mayroon pa rin mga tao na hindi sumusunod sa social distancing. Kung ikaw ay isang frontliner ano ang sasabihin mo kanila?
4. Pinag-uusapan ngayon kung paano magiging ligtas ang mga estudyante sa pagbubukas ng klase sa panahon ng pandemic. Pinag-uusapan na online learning ang ipatupad. Ano ang iyong opinyon tungkol dito?
5. Dahil sa COVID-19, bumaba ang ekonomiya ng ating bansa. Pagkatapos ng dalawang buwan ng ECQ,may nagsasabi na panahon na para payagan pamahalaan na magbukas na ang mga mall at ibang business establishment upang makabawi tayo ang ating ekonomiya. Ano ang masasabi mo tungkol dito?
paki answer po
Share
Answer:
1.masasabi kopo dapat nilang gawin ito ng maayos kasi maraming nangangailangan
2.opo, pero dapat hinde nila sinasaktan ang lalabag dapat disiplina ang ipapairal nila
3.sasabihan ko sila na pano tayo uunlad kung lahat kayo sumasaway
4.pwede pong online learning kung lahat po may kagamitan kung wala naman po kailangan isagawa nila ng maayos
5.pero kailangan paden nilang sundin ang mga batas para hinde kumalat ang sakit na ito.
Explanation:
thankyou sana maka tulong ipagpatuloy mo yan goodbless
Answer:
1. Sa napakalaking halaga na nilabas ng pamahalaan ay dapat mabigyan ang lahat ng mamamayan ng ayuda ngunit kung kulang talaga ito ay sa mga mahihirap nalang magbigay ng ayuda at sa mga taong walang kayang bumili ng kanilang makakain.
2. Oo, sapagkat mabilis na kumakalat ang covid-19 dahil sa mga taong hindi sumusunod sa mga protocol.
3. Dapat tayong magkaroon ng social distancing upang hindi tayo mahawaan at hindi dumami ang mga taong nagkakaroon ng sakit dahil hindi na kinakaya ng mga frontliners sa dami ng mga pasyente.
4. Magandang gawin ang pag-aaral sa online classes upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga studyante sa gitna ng pandemya ngunit hindi lahat ng mag-aaral ay may kakayahang bumili ng mga Gamit para sa online classes.
5. Pwede na magbukas ang mga mall at ibang business establishments ngunit dapat magkaroon ng mga batas at magkaroon ng striktong pagpapatupad ng mga protocol upang iwas sa hawaan ang mga tao.