TAYAHIN NATIN Tunay ang kaligayahan kapag mayroon kang karamay sa panahon ng paghihirap. Sa ganitong sitwasyon, alam kong mas pipilian mong makasama ang iyong mga minamahal sa buhay. Katulad mo, ang nais makasama ni Florante sa kanyang paghihirap ay si Laura. Siya ang unang pag-ibig at naranasan niya kung paano siya inalagaan nito at kinalinga sa mga nagdaan nilang pagsusuyuan. Dahil sa pagkamatay ng magulang ni Florante, ipinakita ni Laura sa kanya ang pagmamahal, at nanalig siyang ang presensya nito ay makapagdudulot ng ibayong lakas at pag-asa sa kabila ng mga dinaranas niyang pagdurusa at paghihinagpis Kaya lubos na lamang ang kanyang pagsusumamo na makapiling muli ang kanyang minamahal Panuto: Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ang magsisilbing advocate sa pagharap ng suliraning dumarating sa buhay. Anong islogan ang iyong nais ipabatid upang maging matatag sa anumang hinaharap natin ngayon? Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagsulat ng Islogan. Isulat ito sa hiwalay na papel. Ang Islogan ko ay...
Share
0 Replies