TAYAHIN
Tukuyin ang bawat pangungusap kung alin ang tama o mali. Isulat sa sagutang papel ang T kung tama ang pahayag
at M kung ito naman ay mali.
1. Ang patakarang pananalapi ay tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at
pagbubuwis upang matamo ang maayos na daloy ng ekonomiya.
2. Sa ilalim ng progresibong pagbubuwis, habang tumataas ang kinikita ng isang indibidwal o korporasyon,
tataas din ang halaga ng buwis na kanyang babayaran. Nakasaad ito sa 1987 Saligang Batas
3. Ang net lending ay tumutukoy sa halagang nakatuon sa pagbili ng mga produkto at serbisyong tulad ng
Personal Services at Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE).
4.Titipunin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga mahahalagang dokumentong bubuo sa President's
Budget, NEP at ito ay ipapasa sa Kongreso bilang General Appropriations Bill upang kanilang aprubahan at maging
isang ganap na batas.
5. Kapag nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang presyo sa ekonomiya, ipinatutupad ang
Contractionary Fiscal Policy.
6. Kapag ipinatupad ang Expansionary Fiscal Policy magreresulta ito sa pagbagal ng ekonomiya kung saan
liliit ang kita na siya namang pipigil sa pagtaas ng mga presyo sa bilihin o implasyon. Sa pagtaas naman ng
buwis, ang mga mangagawa ay mapipilitang magbawas ng kanilang gastusin para sa pagkonsumo.
7. Ang Sales Tax at Income Tax ay mga buwis na sapilitang kinokolekta upang makalikom ng mga salaping
magagamit sa mga operasyon nito at para kumita.
8. Kapag ang kabuuang output ay mababa nang higit sa inaasahan dahil hindi nagamit ang mga resources,
mababa ang pangkalahatang demand ng sambahayan at walang insentibo sa mga mamumuhunan na gumawa
o magdagdag pa ng produksyon ay ipinatutupad na ng pamahalaan ang Contractionary Fiscal Policy.
9. Sa mga uri ng buwis, kinokolekta ito para magregularisa at makontrol ang kalabisan ng isang gawain o
negosyo at isang halimbawa nito ang taripa.
10.5.2% ay inilaan para tanggulang pambansa na kinapapalooban ng pagpapanatili sa kapayapaan ng
buong bansa at ng mga mamamayan at ito ang pumangatlo sa may pinakamataas na badyet
Share
Explanation:
1.T
2.M
3.T
4.T
5.M
6.T
7.T
8.M
9.T
10.T