Tayain Natin! Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Pamamaraan kung saan ang mga mangingisda ay gumagamit ng malalaking lambat na may pabigat na nakahuhuli ng isdang madadaanan maliit man o malaki at nakasisira ng korales na nagsisilbing itlugan at bahay ng mga isda.
A. Thrawl Fishing B. Dynamite Fishing C. Cyanide Fishing D. Muro-ami
2. Ayon sa kanya, sa kabila ng mga polisiya ng Pilipinas, bukas sa lahat at halos hindi nababantayan ng mga namamahala ang mga mangingisda kaya marami ng reefs ang namamtay o nasisira.
A. Alder (2012) B. Jose Ramon Albert C. Thomas Malthus D. Michael Alessi
Panuto:
Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang letrang A kung ang pangungusap ay parehong tama, B kung ang pangungusap ay parehong mali, C kung ang unang pangungusap ay tama at ang ikalawang pangungusap ay mali, D kung ang ikalawang pangungusap ay tama at ang unang pangungusap ay mali.
3. X: Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan, komersiyo, at industriya ay nagdudulot ng pag-unlad sa pagsasaka. Y: Ang patuloy na paglaki ng populasyon ay maaaring magdulot ng kahirapan na sa kalaunan ay kakulangan sa pagkain.
4. X: Ang Batas Republika 8435 ay naghahangad ng modernisasyon sa maraming aspekto ng sektor ng agrikultura upang masiguro ang pagpapaunlad nito. Y: Ang Batas Republika 8435 ay nagsasaad ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay diin bilang suporta sa implementasyon ng modernisasyon sa agrikultura.
5. X: Ang mamamayan ay nararapat na maging kabahagi sa paggamit ng tama at matalino sa likas na yaman para sa mga susunod na salinlahi ng mga Pilipino. Y: Ang mamamayan ay nararapat na mamulat sa katotohanang limitado ang likas na yaman at pangalagaan ang mga natatanging yaman bilang pangunahing pinagmumulan ng hanap buhay.
Share
Answer:
1.A
2.C
3.B
4.D
5.A
Explanation:
sana maka tulong