GAWAIN 2
Sumulat ng buod sa isa sa mag naibigan mong kwento (ang Hukuman ni Sinukuan:Bakit Naparusahan ang Lamok?,Ang alamt ng Pinya,Ang matalinong Pilandok).Gumamit ng mga angkop na pahayah sa pagsulay ng simula,gitna at wakas gayundin anf pngunahin at pansuportang kaisipan o detalye.Ang ginawang buod ay mamarkahan sa pamamagitang ng rubric.[tex][/tex]
(correct answer plss...)
Share
Verified answer
Answer:
PANINIMULA
Sa Bundok ng Arayat mayroong naninirahang magandang Diwata. Si Mariang Sinukuan, siya ay isang mabait na diwata. Siya ay mayroong hukuman na naging sagisag ng katarungan at pag-ibig. Isang araw narinig ni Mariang Sinukuan ang taghoy ni Ibong Martines kanya itong tinanong kung anong problema nito. Sumagot si Ibong Martines na ang kanyang mga itlog ay basag. Sinabi nito na kaya nabasag ang kanyang itlog ay dahil kay Kabayo.
GITNA
Ipinatwag ng Diwata si Kabayo at tinanong kung bakit ito nagdadamba. Sinabi nito na nagulat ito sa malakas na pagkokak ni Palaka. Ipinatawag si Palaka at tinanong. Sinabi nito na nakita niya na dala ni Pagong ang bahay nito. Si Pagong naman ang ipinatawag ng Diwata at tinanong. Sinabi ni Pagong na natakot siya kay Alitaptap na may dalang apoy. Ipinatwag naman ng Diwata si Alitaptap at tinanong. Sumagot si Alitaptap na kailangang niyang magdala ng apoy sapagkat si Lamok ay palipad lipad na may dalang gulok.
WAKAS
Ipinatawag ni Mariang Sinukuan si lamok at tinanong. Sumagot si Lamok na kagustuhan niyang gumanti kay Alimango at dahil sa galit niya dumulas ang kanyang gulok at nagkaroon ng kaguluhan. Si Lamok ay pinarusahan dahil sa siya ay naging marahas. Nagkagulo ang mga hayop dahil sa kanya. Siya ay pinatawan ng parusang pagkakakulong ng tatlong araw
Explanation:
Hope it helps