Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Ano ang masasabi mo sa mga larawang ito? magbigay ng iyong ideya tungkol sa mga larawan.
GOMBURZA
SUEZ CANAL
CARLOS MARIA DE LA TORRE
CAVITE MUTINY
Share
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Ano ang masasabi mo sa mga larawang ito? magbigay ng iyong ideya tungkol sa mga larawan.
GOMBURZA
SUEZ CANAL
CARLOS MARIA DE LA TORRE
CAVITE MUTINY
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Answer:
Ang mga larawan ay may kaugnayan sa pagpapakabayani ng tatlong paring martir na nakilala sa pangalang GOMBURZA. Ang pangalan ay mula sa mga apelyido ng mga pari. Ang tatlong pari ay sina Mariano Gomez, José Burgos, at Jacinto Zamora.
GOMBURZA
Ang GOMBURZA ay mga bayani sa Pilipinas. Ang kanilang pagkamatay ay nagkaroon ng malalim na epekto sa maraming Pilipino ng ika-19 na siglo. Sila ay pinatay noong 17 Pebrero 1872 sa Bagumbayan ng mga kolonyal na awtoridad ng Espanyol sa paratang ng pagpapabagsak na bunga ng 1872 Cavite mutiny.
SUEZ CANAL
Ang Suez Canal na nasa bansang Egypt ay artipisyal na daluyan ng tubig na nagdurugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea. Dahil dito napadali ang paglalabas-masok ng mga mangangalakal at ang sistema ng komunikasyon sa Pilipinas. Higit sa lahat napadali ang pagpasok sa bansa ng mga liberal na banyagang kaisipan na nagpamulat sa maraming Pilipino sa kanilang karapatan.
CARLOS MARIA DE LA TORRE
Si Carlos María de la Torre y Navacerrada ay naglingkod bilang Kastilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas mula 1869 hanggang 1871. Itinuturing siya bilang isa sa mga liberal na gobernador-heneral ng Pilipinas. Ipinatupad niya ang sekulirisasyon sa mga simbahan sa buong bansa. Nangahuhulugan ito na ang mga Pilipino dapat ang mamahala sa mga parokya, halimbawa na dito sila Padre Burgos, Padre Zamora at Padre Gomez (GOMBURZA).
CAVITE MUTINY
Isang pag-aalsa noong 1872 ng umaabot sa 200 Filipinong sundalo sa Cavite (Cavite Mutiny). Madaliang nasugpo ng pamahalaang kolonyal ang pag-aaklas ngunit naging makabuluhan ito sa kasaysayan dahil ginamit itong dahilan upang supilin ang mga Filipinong makabayan at humihingi ng reporma sa pamahalaan. Ang pag-aalsa ang ginamit na batayan upang isakdal at bitayin ang tatlong paring Filipino (GOMBURZA).
Explanation:
Para sa kaalaman tungkol sa mga bayani sa Pilipinas, maaari mong i-click ang link na ito:
brainly.ph/question/43189
#BRAINLYFAST