topograpiya ng timog asya
Share
topograpiya ng timog asya
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Topograpiya at klima sa Timog Asya
May sukat na 4,489,240 kilometro kwadrado ang kabuuan ng Timog Asya. Ito ay binubuo ng mga bansang India, Nepal, Bangladesh, Pakistan, Bhutan, Maldives, at Sri Lanka (dating Ceylon). Ang pinaka malaki sa Timog Asya ay ang India. Ang mapa, ang Pakistan at Bangladesh ay parang mga tadyang lamang na kinuha mula sa India upang makabuo ng dalawang nakahiwalay na bansa.
Mayroong iba’t ibang uri ng lupa sa Timog Asya. May lupang alluvial na matatagpuan sa kapatagan ng Indo-Gangetic, ang malawak na gitnang bahagi ng subkontinente ng India mula sa look ng Bengal sa silangan hangang sa Dagat ng Arabia sa kanluran. Mayroon ding mapulang laterite dito na mayaman sa irone-oxide; quasi-laterite, kagaya ng lupa sa tangway ng India; at basalt katulad ng nasa Talamapas ng Deccan.
Pabagu-bago ang klima sa Timog Asya sapagkat apat ang uri ng klima rito. Mula Disyembre hanggang Pebrero ay mararanasan ang tag lamig; tag init at tag tuyot naman mula sa buwan ng Marso hanggang Mayo; at mahalumigmig na may kasamang pag ambon naman ang mararanasan sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo, Agosto at Setyembre. May ibang bahagi sa Timog Asya, katulad ng lugar na kinalalagyan ng Bundok Everest, na nanatiling malamig at hindi nawawalan ng niyebe o yelo.
Maburol at tigang ang Timog India na tinatawag noon na Deccan. Palaging mainit sa kapatagan ng Tamil subalit hindi kasing init ng hilagang bahagi ng Timog Asya tuwing tag araw.
Makikita sa kapatagan at lambak ng mga ilog Indus, Ganges, at Brahmaputra ang mga pananim na trigo, palay, barley, tubo, mais, mani, at bulak. Ang mga pangunahing produkto ng rehiyon ay jute, garing, goma, at bulak.
Ang pagsasaka sa rehiyong ito ay maunlad dahil sa ilog Indus at ilog Ganges na umaagos mula sa natunaw na yelo sa bulubundukin ng Himalayas. Bumababa ang tubig yelong ito sa maliliit na sapa na nagtatagpo sa dalawang malaking ilog. Ito ang nag sisilbing patubig sa mga pananim na nasa mga lambak, talampas, at kapatagan ng India.
Maraming mineral sa Timog Asya. Ang Talamapas ng Deccan ay pinagmumulan ng bakal, limestone at manganese. Mayroon din ditong karbon, chromite, vanadium, rubi, at sapiro.
Ang Timog Asya ay may sukat na 4,489,240 kilometro kwadrado. Binubuo ng mga bansang India, Nepal, Bangladesh, Pakistan, Bhutan, Maldives, at Sri Lanka (dating ceylon).
Pinaka malaki ang India sa lahat ng bansa sa Timog Asya. Ito rin ang bansang may pinaka malaking bilang ng populasyon. Ang pagsasaka rito ay maunlad dahil sa dalawang ilog: ang Indus at Ganges na nagmumula sa natutunaw na yelo sa bulubundukin ng Himalayas. Ang mga pangunahing yamang mineral sa bansang ito ay bakal, manganese , tanso, at chromite.
Pabagu bago ang klima sa Timog Asya na may apat na uri: ang tag init, tag tuyot, tag ulan at ang tag lamig. Ang iba pang bahagi ng rehiyon nito ay nananatiling malamig at hindi nawawalan ng yelo gaya ng mga pook na kina lalagyan ng pinaka mataas na bundok sa mundo ang Bundok Everest.
#carryonlearning
Explanation:
sana nakatulong