tubig na makabubuo ng kaulapi Ang topograpiya o ang uri ng kalupaan ng isang luga pekto rin sa uri ng klimang nararanasan doon. Dahil sa iba't iba ang topograpiya o uri ng pisikal na kapaligiran, iba't iba rin ang uri ng klima batay sa distribusyon ng ulan, kaya't sa Pilipinas ay may apat na uri ng klima. Halimbawa, batay sa distribusyon ng ulan sa kabundukan ng Cordillera, Zambales, at Sierra Madre, nagbubunsod ito sa pangkala- ang pagbuhos ng ulan. Ang mga kabundukan din ay ang dahilan ng sna temperatura dahil sa nahaharangan ng mga ito ang hangin kukulong ang singaw sa kapatagan. an 88 PAGPAPALALIM NG PANG-UNAWA Magsaliksik sa mga pahayagan o sa Internet ng mga balita o artikulong may kinalaman sa klima ng Pilipinas. Suriin ang balita o artikulo batay sa sumusunod na tanong
1.Paano nakaaapekto sa mga Filipino ang klima sa Pilipinas?
2.Paano umaangkop ang mga Filipino sa kalagayan ng klima sa Pilipinas?
pa help na po plss need ko na po assignment po namin ito plsss help
Share
Verified answer
Answer:
1. Nakakaapekto ang klima sa mga Pilipino dahil ang kanilang mga hanapbuhay ay nakasalalay rito. kapag maganda ang klima, maganda ang ani sa bukid, maraming nahuhuling isda at maraming nagagawa ang mga pilipino para sa pang araw-araw na pangangailangan. pero kapag masama naman ang klima, nasisira ang mga pangunahing pinagkukunan ng mga Pilipino tulad na lamang ng bukid, bahay, at iba pang ari-arian nito.
2. Pati ang pananamit natin ay umaangkop din sa klima. Ang mga sinaunang pananamit ay nagsisilbing proteksyon mula sa init ng araw ngunit may karampatang nipis upang hindi maipon ang pawis at makahinga ang balat. Sa mga mas matataas na lugar, sila ay nagsusuot ng karagdagang balot sa katawan. Bagaman ang mga Ifugao ay nakabahag lamang sa malamig na lugar, sila ay nagsusuot din ng mga balabal at jacket at ginagamit lamang ang bahag sa mga importanteng tradisyon o okasyon.
Pati ang panahon ng pagtatanim at pag-ani ay ibinabagay sa panahon at klima. Kalaunan ay natutunan natin ang crop rotation at pagbinhi ng mas malusog at mas matatag na binhi laban sa mga bagyo o peste. Ang mga aning bunga, gulay, at lamang-dagat ay pinepreserba upang ito ay tumagal ng higit sa isang linggo at upang magkaroon ng pagkain para sa mga panahon na mahirap humanap ng pagkain.