Tuklasin Isulat ang hinihinging sagot sa bawat bilang. Itala ito sa inyong sagutang papel. 1. Lumaki ang batang lalaking may dinadalang matinding galit sa tigre. Sa piling pahayag sa pabula, alin ang salitang nagpapahayag ng damdamin dito? 2. "Pakakasalan ko ang buwayang ito. Mayaman siya. Naku! Kung mapapasaakin lamang ang lahat ng mga perlas at diyamante, ako ang magiging pinakamasayang asawa sa buong mundo." Sa inyong pananaw, alin ang katangian o karakter ng tao na ipinakita sa dayalogong ito? 3. Lubos ang kasiyahan ni Joy sa pagpapala na kanyang tinanggap. Ang kaligayahan niya'y ibinahagi niya sa lahat. Sa iyong hinuha alin ang dalawang salitang magkasingkahulugan sa loob ng binasang pangungusap? 4. Ang asawa niyang bagama't mababakas ang katandaan ay punumpuno ng buhay at kagalakan. Alin ang salitang nagpapahayag ng damdamin sa pangungusap na ito? 5. Naging traydor ang kanyang kaibigan sa ginawa nitong kasinungalingan. Sa iyong pananaw, anong hayop kaya ang maaari nating iugnay sa katangian ng pagiging traydor?
Share
Answer:
1. matinding galit sa tigre
2.mukhang pera
3.kasiyahan at kaligayahan
4.kahit na matanda siya ay kaya niya paring tumawang may galak
5.ahas