TUKLASIN NATIN (Ikatlong Araw)
A.Basahin at sagutan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ang Barangay Bukal ay bumuo ng batas ukol sa lumulubhang suliranin ng kanilang
pamayanan. Narito ang nilalaman ng batas.
Batas Pambarangay Bilang 1
Marso 22,2021
Pamahalaang Barangay Bukal
Ang batas na ito ay pinagtitibay upang ang bawat isa na naninirahan sa pamayanan ay
makilahok at mangampanya sa pagpapatupad ng pangkalusugan at pangkaligtasan ng bawat
mamamayan.
Una, kampanya para sa COVID-19 Vaccine, na ang bawat mamamayan na nasasakupan ng
Barangay Bukal ay makikilahok sa pagpapaturok ng nasabing Vaccine.
Ikalawa, ugaliin ng mga mamamayang nasasakupan ng Barangay Bukal ang pagsusuot ng
Facemask at Faceshield sa tuwing lalabas ng kanilang tahanan
Ikatlo, mahigpit na ipinatutupad ang Curfew Hours mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng
umaga sa nasabing barangay.
Ikaapat, ang sinumang lalabag sa kautusang ito ay maaaring patawan ng kaukulang disiplina o
kaparusahan.
Ang kautusang ito ay dapat sundin ng lahat ng tao, matanda o bata para sa kaligtasang
pangkalusugan ng Barangay Bukal.
Nilagdaan ngayong ika-23 ng Marso, 2021, Barangay Bukal, Bayan ng Silang.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1.Anong barangay ang gumawa ng batas?
2.Para saan ang naturang batas?
3.Ano-ano ang mga batas na binubo ng barangay para sa mga mamamayan? Isa-isahin ito.
4.Mahalaga ba na sundin ang mga batas na ito? Bakit?
5.Bilang isang mag-aaral o mamamayan ng nasabing barangay, ano ang iyong maitutulong?
Share
Answer:
1. Ang Barangay Bukal po.
2. Para sa kaligtasan po ng kanilang barangay at sa atin na rin po.
3. Curfew Hour, Pagsuot ng face mask at face shield kung lalabas at sundin ang health protocols.
4. Opo, upang tayo ay maging ligtas at malayo sa lumalaganap na sakit na COVID-19.
5. Ang aking maitutulong ay ang pagsunod sa mga batas po.
Explanation:
Hope can help
Pabrainlest naman po <3