Tuklasin PAGSILAY NG PAG-ASA Isinulat ni: Jennifer G. Bautista Sa tuwing pagmamasdan ang kalangitan Mula sa bintana ng aming tahanan Tin ba may nagsasabi "Anak huwag katakutan, Nakamamatay na sakit akin nang lulunasan." Sadyang nakakagimbal ang mga pangyayari Libo-libong nilalang sa daigdig ay nasawi Kabilang na dito ang mga bagong bayani Na buong tapang sumuong upang kalaban ay magapi. Maraming tao ang nangulila, Mga puso ng bawat isa ay puno ng pangamba Lahat ay nagtatanong, kailan kaya mawawala? Itong pandemikong sa atin ay nananalasa. Dating mga pasyalan ay puno ng halakhakan Ngayon ni anino'y wala kang masilayan Bawat isa ay bilanggo sa sariling tahanan Upang makiisa sa panukalang batas ng ating pamayanan. Ito ay di lang responsibilidad ng mga lider ng lipunan Dahil ikaw at ako ay may tungkuling ginagampanan Mapalad ka kung ikaw ay nasa tahanan, Mga bagong bayani ay patuloy sa paglaban. Kaya kung ikaw ay may magagawang tulong Huwag mag-alintana upang salot ay di na sumulong, Ang pagdami ng mga biktima at sa sakit ay nakulong Mula sa bangungot na dala nitong alulong. Bukas panibagong araw ay darating Bukang liwayway muling sisilay sa atin Dala'y pag-asa na ating makakamtin Ang kagalingan at tagumpay na ating mithiin Sagutin ang mga sumusunod na tanong ukol sa binasa. 1. Ano ang paksa ng tula? 2. Sa iyong palagay sino ang nagsambit ng katagang ito? "Anak huwag katakutan, nakamamatay na sakit akin ng lulunasan. 3. Bakit ang puso ng bawat isa ay puno ng pangamba? 4. Sino-sino ang mga tinutukoy na bagong bayani sa tula? 5. Ayon sa tula, ano-ano ang mga pagbabagong naganap dulot ng COVID-19? 6. Bilang isang mamamayan paano ka makakatulong sa pagpigil ng paglaganap ng naturang sakit? 7. Ano-anong matatalinghagang salita ang ginamit sa tula? 8. Bakit kailangang magkakasingtunog o magkakatugma ang mga huling salita sa tula? 9. Sa iyong palagay, paano masosolusyonan ang kasalukuyang kinakaharap na problema ng buong daigdig? 10. Anong aral ang nais iparating ng tula sa mga mambabasa?
Share
Answer:
ok
Explanation:
Ang haba po chaka dikit dikit di ko po mabasa Ng maayos