Tuklasin
Sa pagpapahayag ng sariling opinion o reaksyon sa napakinggang baita, isyu o usapan, kailangan nating matutunan natin naiintindihan basa at pakikinig. Hindi tayo makapagbibigay ng reaksyon o opinion kung hindi natin naiintindihan ang binabasa at pinapakinggan natin.
Kaya naman sa pagkakataong ito ay magbasa tayo ng balita at sana maunawaan mo itong mabuti upang makabigay ka ng reaksyon tungkol dito.
37K katao lumikas dahil kay 'Ulysses', walang masilungan Umaabot sa mahigit 37,000 katao na lumikas ang halos walang masilungan matapos na pasukin at malubog sa tubig-baha ang mga evacuation centers dulot ng bagyong Ulysses sa Cagayan. Ang kabuuang 37,327 na residente na lumikas ay mula sa 11,392 pamilya na naitala ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng Cagayan Bunsod nito, malaking hamon para kay Cagayan Governor Manuel Mamba ang inabot nilang delubyo na nataon pang patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lalawigan. Nagdulot ng dagdag suliranin sa gobernador kung saan nila ilalagay ang mga evacuees matapos na malubog sa tubig baha ang kanilang mga evacuation centers Ayon kay Mamba, makabubuti pang manatili na lamang ang mga evacuees sa mga kamag-anak kaysa makipagsapalarang mahawa sa COVID-19 sa evacuation centers Sinabi ng Gobernador na nabigla sila sa pagtaas ng baha matapos magpalabas ng tubig sa pitong spillway gates ang Magat dam sa Ramon, Isabela nang maabot nito ang spilling level noong gabi ng Huwebes.
paki sagot po
nonsense:report
Share
Answer:
Ang reaksiyon ko tungkol sa kuwento ay sobrang malubha at nakakaawa dahil sa walang masisilungan ang mga tao na
halos pasukin na sa tubig-baha
ang mga evacuation centers dulot ng bagyong Ulysses.
Explanation:
Sana makatulong