TUKLASIN
Gawain 1: Dignidad Natin, Kilalanin!
Panuto:Basahin ang tatlong pari ng magkasalungat ng katayuan sa buhay. Isulat ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba sa pamamagitan ng Venn Diagram. Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba. Isulat ang lahat ng maaaring sagot. (5 points each)
Nasa picture po yung Venn Diagram
Mga gabay na tanong:
1. Ano ang mahihinuha mo mula sa iyong naging sagot?
________________________________________________
___________
2. Bakit sa tingin mo hindi pantay-pantay ang katangian o katayuan ng bawat tao.
________________________________________________
___________
3. Ano sa tingin mo ang kaisa- isang bagay na nagpapa-pantay-pantay sa lahat ng tao sa kabila ng kanilang pagkakaiba?
________________________________________________
___________
ISAGAWA
Gawain 2: Dignidad Mo, Ramdam Ko!
Panuto: Ang bawat isa sa atin ay may dignidad na dapat kilalanin at pahalagahan. Unawain ng mabuti ang mga sitwasyon sa ibaba sabihin ang iyong nararamdaman at gagawin tungkol dito. (5 points each)
1. Isang taong-grasa ang kinakantsawan ng iyong mga kasing edad na kapitbahay. Sinisigawan nila ito, pinagtatawanan at ang iba ay namamato pa ng kung ano rito. Napansin mong ang taong-grasa ay huba't hubad, puno ng putik ang katawan at kinakain ang kaniyang sariling buhok. Tama lang bang kantsawan ng iyong mga kapitbahay ang taong-grasa dahil sa kanyang hitsura? Ano ang iyong gagawin?
________________________________________________________________________
________________________
2. Isang pangkat ang proyekto ang ibinigay ng iyong guro sa asignaturang EsP at ang iyong pangkat ay kulang pa ng isang mag aaral upang umabot sa kinakailangang bilang ng mga kasapi. Dalawa sa iyong mga kaklase, sina Isabelle at Bianca, ang lumapit sa iyo upang punan ang bakanteng pwesto, ay isa lamang sa kanila ang maaari mong isali sa pangkat. Pinili ng isa sa inyo si Isabelle dahil sa alam niya na ito ay isang anak mayaman at maaaring malaki ang maitutulong nito sa mga gastusin ng iyong proyekto. Kung papalarin ay baka hindi na kinakailangan gumastos pa ng Iba sa inyo. Sang-ayon kaba sa pagpili kay isabelle? Ano ang iyong gagawin?
________________________________________________________________________________________________
Pamprosesong mga Tanong:
1. Sa mga sitwasyong iyong sinagutan, paano mo ipakita ang iyong pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng bawat tao?
________________________________________________
___________
2. Anong mga mahahalagang bagay ang natutunan mo mula sa gawaing ito?
____________________________________________________________
Share
Answer:
Gawain 1
1. Nahinuha ko na hindi pareho ang katayuan ng tao sa buhay at magkaiba rin ang pisikal na katangian ng bawat tao.
2. dahil ang bawat tao ay natatangi o unique.
3. pantay-pantay tayong ginawa at minahal ng Diyos. Lahat tayo ay parehong tao.
Gawain 2
1. Hindi, sa halip ay dapat nila itong bigyang pansin at tulungan na maging malinis at igalang ang kanyang pagkatao.
2. Hindi ako sang ayon kay Isabelle. Itatanong ko sa guro kung pwede bang sumali silang dalawa sa grupo para magtulungan sa nasabing proyekto.
Tanong:
1. Respetuhin, tulungan at bigyang pansin ang bawat tao ano man ang kanyang katangian, at katayuan sa buhay.
2. pahalagahan ang dignidad at pagkatao ng bawat isa.