Tuklasin
Panuto: Basahin at unawain ang tula sa ibaba at sagutin sa iyong
sagutang papel ang mga gabay na tanong.
Ako Para sa Kaunlaran
mi Jane R. Gumapang
Ako'y isang mamamayang nagnanais ng kaunlaran,
Bahagiy aking gagampanan para sa bayang sinilangan,
Anumang oras akoy handang magmalasakit,
Hangga't maaari iiwasang maging pasakit.
Sa aking lipunan ako'y magiging produktibo,
Ipapakita ang pagmamahal sa bansa at kapuwa Pilipino,
Pag-iingatan mga lugar na laan sa publiko,
Maging kalikasan ay pangangalagaan ko.
Itong munting tula sana'y ilagay sa puso't isipan,
Magtulungan tayo sa pagtaguyod ng kaunlaran,
Kung ating iiwasan ang maling paggamit at kapabayaan,
Pag-unlad ng ekonomiyat kabuhayan ating makakamtan
Mga gabay na tanong.
1. Tungkol saan ang binasang tula?
2. Ano-ano ang mga dapat gawin upang maging maunlad ang
bansa?
7 plss help nonsense report
Share
Answer:
1. Tungkol sa isang mamamayang nagnanais ng kaunlaran.
2. Tangkilikin ang sariling produkto.
Magmalasakit o tumulong sa kapwa
Pangalagaan ang kalikasan
2. Linisin ang paligid, tulungan ang mga mahihirap, pakainin at alagaan ang alagang hayop, sundin ang mga protocols, sumunod sa batas