Tukuyin ang paksa ng bawat teksto. Isulat sa patlang titik ng tamang sagot. A. Ang Aking Saranggola B. Si Jose Rizal C. Ang Isang Kaibigan D. Bagong Taon E. Pagiging Isang Ina
6. Sabi nila, ang buhay daw ng tao ay isang kuwentong tila nobela. Mayroong mga kabanata na taon-taon ay binubuksan, na taon-taon ay may bagong karanasan. Sa pagdating ng bagong taon, para marami sa atin, ito na ang pagkakataon upang makapag-umpisang muli at magkaroon nang maayos na buhay. Kaliwa't kanan ang mga nais baguhin ng marami sa atin. Iba-iba rin ang planong makamit ngayong taon. Marami din ang naniniwala sa mga pamahiin at pampaswerte na kinakapitan nila upang maging matiwasay at puno ng pagpapala ang buong taon. Bagaman wala naman talagang nakaaalam ng mangyayari bukas, nagiging pag-asa ng bawat isa ang bagong taon na darating. Lahat ay positibong sa pagbabago ng araw, oras, at taon ay sisibol din ang bagong pag-asa para sa lahat.Bagong yugto at kabanata upang isakatuparan ang mga pangarap at isaayos ang mga nagawang pagkakamali sa nakaraang taon.
7. Kung ang pamilya ay pinagbuklod ng kanilang dugo, mayroong isang uri naman ng samahan na binuo ng isang magandang samahan-ang pagkakaibigan. Nabubuo ang pagkakaibigan sa iba't ibang panahon. Mayroong mga kababata na kasama mo sa iba't ibang gawain noong ikaw ay musmos pa lamang, lalo na sa paglalaro.Ang mga samahang nabuo noong pagkabata ay lalong tumitibay sa paglipas ng panahon, habang kayo ay nagkaka-edad. Masaya ang samahang kaibigan. Indikasyon ito ng mundo na kahit maraming pagkakaiba ang bawat isa, posible ang mga matitibay na ugnayan
8. Kahit ano pa man ang kinahinatnan ng ating buhay, nakasama man natin sila nang matagal o napunta tayo sa ibang pamilya, hindi maiaalis na ang ating buhay ay pinagbigkis ng tadhana simula pa lamang ng unang araw natin sa daigdig. Walang kapares ang sayang dulot ng pagiging ina. Para sa maraming kababaihan, ito ay katuparan ng kanilang mga pangarap at ang pagkakaroon ng kabuluhan ng kanilang pananatili sa daigdig.Ang pagbibigay ng buhay sa isa o ilan pang mga supling ay ang misyong ibinigay sa kanilang ng Diyos upang mapanatili ang masaya at mahabang lahi ng isang pamilya. Isang uri ng relasyon na regalo ng Maykapal sa lahat ng taong marunong umibig at kayang magbigay ng tunay na pagmamahal.
9. Noong bata pa ako, paborito ko talaga ang magpalipad ng saranggola. Tandang-tanda ko pa na ang simple ngunit makulay na saranggolang pinalilipad ko ay ginagawa ng aking ama. Kahit abala siya noon sa trabaho bilang isang anluwage, lagi siyang may oras para tulungan akong magpalipad ng saranggola. Masarap sa pakiramdam na makitang ang simple kong saranggola ay malayo ang nararating. Malaya itong nakalilipad sa bughaw na langit Napakasarap pagmasdan. Ngunit ang pinakamasarap sa lahat ay ang mensaheng tila nais iparating sa akin ng paglipad ng saranggola-na walang pangarap ang hindi matutupad, kahit gaanoman kasimple ang pamumuhay.
Share
ANSWER :
6. = D.
7. = C.
8. = E
9. = A.
Explanation:
Sana po makatulong ito !