Tukuyin kung anong salik ang tinutukoy sa mga sumusunod na kalagayan ayon sa pagpipilian
sa ibaba:
A. Pagbabago ng teknolohiya C. Pagbabago sa bilang ng nagtitinda
B. Pagbabago sa halaga ng mga salik ng produksiyon D. Ekspektasyon ng presyo
6. Karaniwan ito ay nakakatulong sa mga prodyuser na makabuo ng mas maraming
supply ng produkto dahil maaaring bumaba ang halaga ng produksiyon na lalong
hihikayat sa mga prodyuser na dagdagan ang kanilang suplay.
7. Ang salik na ito ay maihahalintulad din sa bandwagon effect sa demand dahil kung
ano ang nauuso, mas maraming nahihikayat na magtitinda ng kaparehong produkto.
8. Kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng kanilang produkto sa madaling
panahon, may magtatago ng produkto upang maibenta ito sa mas mataas na presyo sa
hinaharap na bunga ng pagbaba ng suplay sa pamilihan.
9. May pagtaas ng presyo sa mga bilihin dahil sa pagtaas rin ng presyo ng mga produktong
ginagamit sa pagbuo nito.
10. Si Manong Alberto ay mas madali at mas marami ang produktong naisuplay na palay sa
pamilihan dulot ng pagkakaroon ng harvester sa kanilang lugar.
Share
Answer:
6.a
7.c
8.d
9.b
10.a
tama yan sure ako diyan