TUKUYIN NATIN
A.batay sa kultura ng mga korea isulat sa loob ng kahon ang mga impormasyon tungkol sa sinaunang pabula ng korea salitang gayahin ang pormat sa sagutang papel
1.HWANIN AT HWANONG
2.TIGRE AT OSO
Share
TUKUYIN NATIN
A.batay sa kultura ng mga korea isulat sa loob ng kahon ang mga impormasyon tungkol sa sinaunang pabula ng korea salitang gayahin ang pormat sa sagutang papel
1.HWANIN AT HWANONG
2.TIGRE AT OSO
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Korea
Ang mga hayop ay hindi lamang nilikhang gumagala sa kapatagan at kabundukan. Ang mga ito ay may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang ginampanan ng mga hayop sa kanilang mitolohiya at kwentong bayan. Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao. . Ang sabi ni Hwanin (diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi ni Hwanin ay magkulong sa kweba ang dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob na pagnanasang maging tao ay sumunod sa ipinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba. Ang babae ay natuwa sa kanyang itsura at kinausap muli si Hwanin. Nagpasalamat sila sa diyos at muling humiling n asana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kanyang anak na si Hwanung (anak ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si Dangun ay naging hari. Pinaniniwalang ditto nagsimula ang pagkakaroon ng simbolong hayop ang iba’t ibang dynasty sa Korea.
Ano ang pabula?
Ang pabula ay isa sa mga sinaunang panitikan sa daigdig. Noong ika-5 at ika-6 na siglo bago si Kristo, may itinuring nang pabula ang mga taga-India. Ang karaniwang paksa ng mga pabula ay tungkol sa buhay ng itinuring na dakilang tao ng mga sinaunang Hindu, si Kasyapa.
Lalong napatanyag ang mga ganitong kwento sa Gresya. Si Aesop ang tinaguriang “Ama ng mga Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog niyang aklat, ang Aesop’s Fable.
Ang pabula ay isang maikling kwentong kathang-isip lamang. Karaniwang isinasalaysay sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay ng pangaral. Ang mga tauhan ng kwento ay pawang mga hayop. Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian o pag-uugali ng tao. Ang ahas halimbawa ay karaniwan nang nangangahulugan ng isang isang taong taksil. Ang pagong, makupad. Ang kalabaw matiyaga.Ang palaka ay mayabang. Ang unggoy o matsing ay isang tuso. Ang aso, matapat. Marami pang hayop ang may ibang pagpapakahulugan. Sa mga bagay naman, ang rosas ay kumakatawan sa mga babae at sa pag-ibig. Ang bubuyog sa isang mapaglarong manliligaw.
Itinuturo ng pabula ang tama, patas, makatarungan, at makataong ugali at pakikitungo sa ating kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.