tula para sa maturidad
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Kung nakikita lamang natin habang tayo’y bata pa,
Mga bagay na di masisilayan ‘pag tayo’y matanda na.
Maingat sanang pag-isipan bawat hakbang na gagawin
Higpitan pa ang hawak sa kamay ng Panginoon natin.
Ngunit habang tayo ay bata pa, ay napakadali
Na mas pahalagahan ang kasalukuyan.
Sapagkat ang kamatayan at pagkabuhay na walang hanggan
Para sa ati’y parang napakalayo at hindi pa darating
At ang kaligayahan na sa ati’y nag-aanyaya
Katulad ng hamog ito din naman ay naglalaho
At magbibigay lamang sa atin ng kalungkutan,
Pagsisisi sa bawat oras na nawala at nasayang.