tula tungkol sa pag unlad o pag yaman ng bansa
Home
/
tula tungkol sa pag unlad o pag yaman ng bansa
tula tungkol sa pag unlad o pag yaman ng bansa
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:Tula sa Pag-unlad
Ako ay namulat sa salat na buhay.
Isang kahig isang tuka
Ako na ay nasanay.
Araw araw ay pawang nagluluksa.
Ang mundo ay puno ng hirap
Ngunit ang tanging lunas ay sikap
Ako ay nagsikap, nagsunog ng kilay
Edukasyon ang tinuring na tulay.
Ang hirap ay kakambal mula ng isinilang.
Sino ang masisi? - hindi ang magulang.
Marahil ito ay bunga ng problema sa lipunan
Parang impeksyon na dumapo sa mamamayan.
Aking napagtanto na kailangan ng pagbabago.
Ating itakwil buwaya sa ating gobyerno
Na mga magnanakaw at uhaw na karnero
Sa masama ginamit ang kanilang talino.
Karunungan ang susi sa pag unlad
Hindi ito makakamit sa hula ng guhit ng palad.
Magsikap mag aral at magtrabaho
Pagbibigay sa kapwa gawing serbisyo.
Related links:
brainly.ph/question/107493
brainly.ph/question/193624
brainly.ph/question/830882
Sabihin mo salamat Chupagetti