TULANG PANUNUDYO
Ito ay isang uri ng karunungang bayan na ang kayarian ay may sukat at tugma. Ang layunin nito ay mambuksa o manudyo.
Makikita natin sa mga tugmang panudyo na ang ating mga ninuno ay may makulay na kamusmusan.
HALIMBAWA:
Bata Batuta!
Isang perang muta!
May dumi sa ulo,
Ikakasal sa Linggo
Inalis, inalis
Ikakasal sa Lunes!
TUGMANG DE GULONG
Ito ay mga simpleng paalala sa mga pasahero na maaari nating matagpuan sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, bus at traysikel. -maaari itong nasa anyo ng salawikain, maikling tula o kasabihan.
HALIMBAWA:
Sitsit ay sa aso,
Katok ay sa pinto,
sambitin ang “para”
sa tabi tayo’y hihinto.
Huwag dumi-kwatro sapagkat dyip ko’y di mo kwarto.
Ms. na sexy, kung gusto mo’y libre, sa drayber ka tumabi.
PALAISIPAN
Palaisipan (uri ng bugtong) - (Ingles: enigma) isang uri ng bugtong na pangkalahatang pinapahayag sa radikal o alegorikong wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pag-iisip sa kalutasan nito.
HALIMBAWA:
Tanong: Ano ang nakikita mo sa gitna ng Dagat?
Sagot: G
THAT' IT| (• ◡•)|
sana makatulong
Share
Answer:
totyta nood ka sa yotube