tula,Sa Totoo Lang Po!
Kung nais mong maging isang mabuting tao
Maging matapat sa lahat ng ginagawa
Ipaalam at sabihin ang mga inaakala
Sa mga magulang at nakatatanda.
Sa totoo angkasinungalingan Ay isang
kasalanan na di nahuhugasan
Nagsisilbing batik kahit kaninoman
Kaya’t katahimikan ay di makakamtan.
Sa totoo lang dapat kahit masakit
Sabihin natin ang dapat ipilit
Pagsasabi ng totoo ay isang prinsipyo
Na di mababayaran ng kahit na sino.
Sa totoo lang di dapat manloko
Pagkat ang tiwala ng tao ay walang presyo
Ang katapatan tuwina’y isapuso
Sa lahat ng oras at saanmang dako
Ipakita ang katapatan sa lahat ng bagay
Sa isip,sa salita, at maging sa gawa
Maging bahagi ng buhay kahit ikaw ay bata
Upang sa paglaki, kamtin ay gantimpala
(6 – 10) Ayon sa nabasang tula, magbigay ng limang halimbawa ng mga
gawaing nagpapakita ng katapatan. Piliin sa mga nakasulat sa ibaba ang
katangian ng taong matapat.
Ang sumusunod ay mga katangian ng taong matapat:
1. Pagiging maunawain at matapat sa pakikipag-usap
2. Pag-iwas sa tsismis o kuwentong walang katotohanan
3. Paggalang sa usapang dapat tuparin
4. Pagtatago ng lihim na ipinagkatiwala ng iba
5. Pagbibigay ng puri na mula sa puso
Share
Answer:
1.Oo 2.dapat 3.dapat 4.mali 5.dapat