Tulong ng gamit ng wika sa lipunan sa iyong pang araw-araw na pamumuhay. Mag bigay ng lima.
Home
/
Tulong ng gamit ng wika sa lipunan sa iyong pang araw-araw na pamumuhay. Mag bigay ng lima.
Tulong ng gamit ng wika sa lipunan sa iyong pang araw-araw na pamumuhay. Mag bigay ng lima.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Answer:
PANG-INSTRUMENTAL
1. Pakikitungo – ang wika ay nagsisilbing daan upang masabi ang nais mong pagtrato sa iyo. Halimbawa: Sinabi mo sa iyong kaibigan na gusto mong makatanggap ng regalo mula sa kaniya.
2. Pangangalakal – ang wika ay nagagamit upang maipahayag ang pangangailangan pagdating sa kalakalan o negosyo. Halimbawa: Sinabi ng may-ari ng McDonalds na kailangan nila ng mga bagong staff o crew.
3. Pag-uutos – ang wika ay nagagamit upang sabihin ang nais na iutos. Halimbawa: Sinabi ng Ina na maghugas na ang kaniyang anak.
4. Pakikiusap - ang wika ay nagagamit upang sabihin ang pakiusap. Halimbawa: Nagtanong ang isang babae kung maaari bang iabot ang kaniyang pamasahe patungo sa driver.
5. Paggawa ng liham – ang wika ay nagagamit upang ipahayag ang pangangailangan sa pamamagitan ng pagsulat ng liham. Halimbawa: Pagsulat ng liham pangkaibigan
PANREGULATORI
1. Pagbibigay ng panuto – ang wika ay nagagamit upang bigyan ng panuto ang kapwa. Halimbawa: Mga panuto sa aklat.
2. Pagbibigay ng direksyon – ang wika ay nagagamit upang magbigay ng mga direksyon. Halimbawa: pagbibigay ng direksyon sa taong nagtatanong.
3. Paalaala – ang wika ay nagagamit sa pagbibigay ng paalala. Halimbawa: Pagbibigay ng paalala sa mga kabataang naliligaw ng landas.
4. Paggabay – ang wika ay nagagamit sa pagbibigay ng gabay. Halimbawa: Pagbibigay ng gabay sa kung ano ang dapat gawin sa isang bagay o gawain.
5. Pagkontrol – ang wika ay nagagamit sa pagkontrol ng kilos ng kapwa. Halimbawa: Pagbibigay ng mga dapat tuntunin sa paaralan o sa isang laro.
Learn More:
brainly.ph/question/2919998
#BRAINLYFAST
#CarryOnLearning