Tulungan niyo ko sa mabubuting loob
____________ nila si Don Juan. Hindi ____________ si Juan. Sumisigaw lamang siya na ____________ na nila ang ginagawa nila. Nang makita nilang parang ____________ na si Juan, iniwan nila ito at kinuha ang Ibong Adarna.
Dumating ang magkapatid sa ____________ at agad silang pumunta sa kanilang ama upang ibigay ang ____________. Nang makita ng hari ang pagbabalik ng dalawang anak at ang Adarna, gumaan ang loob niya at parang mawawala na ang kanyang ____________. Ngunit hindi niya nakita si ____________ at tinanong kung nasaan ito. Ang sagot ng dalawa ay ____________ nila alam. Nabigo at ____________ ang amang hari sa pagkawala ni Don Juan. Muling ____________ ang kanyang kalooban at lalong lumubha ang kanyang sakit.
Naging ____________ at Ibong Adarna. ____________ ang kanyang balahibo at hindi na siya ____________. ____________ ang hari dahil hindi kumakanta ang ibon. ____________ na siya kung iyon nga ang totoong Ibong Adarna. Sinabi niya na kung hindi ____________ ang ibon ay baka tuluyan na siyang mamatay.
Hindi umawit ang Adarna habang wala pa si Don Juan na siyang totoong ____________ sa kanya. ____________ ang hari na buhay pa si Juan, at makababalik sa Berbanya.
aawit
Binugbog
bumigat
Don Juan
hindi
Ibong Adarna
kumanta
malungkot
may-ari
Nagduda
naghimutok
Nainip
nanlaban
palasyo
patay
Pumangit
sakit
tigilan
Umasa
Share
Answer:
Binugbog nila si Don Juan. Hindi nanlaban si Juan. Sumisigaw lamang siya na tigilan na nila ang ginagawa nila. Nang makita nilang parang patay na si Juan, iniwan nila ito at kinuha ang Ibong Adarna. Dumating ang magkapatid sa palasyo at agad silang pumunta sa kanilang ama upang ibigay ang Ibong Adarna. Nang makita ng hari ang pagbabalik ng dalawang anak at ang Adarna, gumaan ang loob niya at parang mawawala na ang kanyang sakit. Ngunit hindi niya nakita si Don Juan at tinanong kung nasaan ito. Ang sagot ng dalawa ay hindi nila alam. Nabigo at naghimutok ang amang hari sa pagkawala ni Don Juan. Muling bumigat ang kanyang kalooban at lalong lumubha ang kanyang sakit. Naging malungkot ang Ibong Adarna. Pumangit ang kanyang balahibo at hindi na siya kumanta. Nainip ang hari dahil hindi kumakanta ang ibon. Nagduda na siya kung iyon nga ang totoong Ibong Adarna. Sinabi niya na kung hindi aawit ang ibon ay baka tuluyan na siyang mamatay. Hindi umawit ang Adarna habang wala pa si Don Juan na siyang totoong may-ari sa kanya. Umasa ang hari na buhay pa si Juan, at makababalik sa Berbanya.
Explanation:
Study well! Fighting!