Upang maagapan ang posibleng sakit na kumakalat dahil sa coliform o dumi ng tao na sumasama sa tubig, sisimulan na ngayong linggo ang pagsasara ng mga posong kontaminado dito sa Maynila.Ayon kay Manila Barangay Bureau (MBB) Acting Director Jesus Payad, nakikipagpulong na sila sa mga barangay upang ipaalam ang natuklasang bakterya sa tubig na dumadaloy sa mga poso at ang tuluyang pagsasara nito. Ito ay makaraang matuklasan ng MBB at Manila Health Department (MHD) na kontaminado ang may 15 mula sa 300 poso sa Maynila nang ipasuri ito sa College of Pacific Health ng University of the Philippines , Manila. Alinsunod na rin ito sa naging kautusan nina Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno na isara ang mga maruming poso. Gayunpaman , sa kabila ng panawagan na huwag nang kumuha ng tubig mula sa poso dahil sa sakit na makukuha rito, marami pa rin mga nakikiusap na residente na gagamitin na lamang nila ang tubig sa paglilinis ng kalye.Nabatid na ang mga posong kinakitaan ng kontaminadong tubig ay mula sa Felix Huertas St. P.Guevarra St,,San Lazaro St,, at Oroquieta St.. na nasa District II ng nasabing Lungsod.
Share
Answer:
God bless pls pls pls pls pls pls