vakit mahalaga ang wika sa sarili, lipunan,kapwa
Share
vakit mahalaga ang wika sa sarili, lipunan,kapwa
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang wika ay nagagamit bilang instrumento ng komunikasyon.
Ginagamit ang wika upang ipahayag ang ating damdamin, pangangailangan.
Wika ang ginagamit sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan ng isang tao sa lahat ng pagkakataon.
Ang wika ay may taglay na malalim, malawak at natatanging kaalaman at karunungan.
Ang wikang ito na mahiwaga na nagpababatid ng mga kaalaman ay lalong mabisang maikakasangkapan sa ating pambansang kaunlaran kung ito'y lubos at puspusang pinapairal sa iba't-ibang larangan at disiplina.
Ginagamit ng mga mag-aaral ang wika bilang isang midyum para makasulat, makabasa at makaintindi ng mga aralin at mga bagay na dapat matutunan at malaman.
Kung walang wika ay hindi matututo ang isang mag-aaral sa mga bagay na kailangan niyang malaman, hindi rin magkakaintindihan ang bawat isa.
Ang wika ay instrumento ng mga mag-aaral sa pagpapaunlad ng kultura at sining ng kanilang bayan o bansa.
Ang wika ang gamit sa pakikipag-ugnayan sa pag-aaral at sa pagtuturo sa iba. Ang sukatan ng karunungan at katalinuhan ay kakayahan nito sa pagsasalin ng mga natutunan sa ibang tao.
Samakatuwid, napakahalaga ng wika sapagkat ito ay maraming gamit sa lipunan, ito ang nagbibigay buhay, diwa at ang nagpapakilala sa bansa, ito ang sumasalamin sa kultura, kaugalian, paniniwala, kaalaman at karunungan ng mga mamayan, ang nagbabatid ng kakayahan ng mga tao, ito ang daluyan ng ating komunikasyon, ito ang larawan na nagpapakita ng ating pagkakakilanlan, kung paano tayo tatanawin at ituturing ng mga tao sa labas ng bansa.