Walang buting maidudulot ang paninigarilyo. Bakit?
Share
Walang buting maidudulot ang paninigarilyo. Bakit?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Walang mabuting dulot ang paninigarilyo dahil ang paninigarilyo ay maraming masamang dulot sa katawan, kaya’t importanteng bawasan o tuluyan ng iwasan ito.
Mga Sakit na Dulot ng Paninigarilyo
Ang sumusunod ay ilan sa mga sakit at kondisyon na nadudulot ng paninigarilyo.
1. COPD
Ang COPD o chronic obstructive pulmonary disease ay isang karamdaman kung saan ang pasyente ay nahihirapang huminga. Ang taong may COPD ay kadalasang maagang namamatay. Habang tumatagal, mas nahihirapan ang pasyente huminga, at umaabot pa sa pagkakataon kung saan kahit ang pagakyat ng hagdan ay hindi na magagawa ng pasyente. Dalawang karamdaman ang kabilang sa COPD.
Emphysema
Ang sakit na ito ay unti-unting sinisira ang air sacs ng baga. Ang pasyente ay may progresibong hirap ng paghinga.
b) Chronic Bronchitis
Ang sakit na ito ay ang pamamaga ng bronchial tubes, at pagdami ng plema.
2. Asthma
Magandang ideya para sa mga taong may hika na umiwas sa paninigarilyo dahil maaari nitong mapalala at mapadalalas ang atake ng sakit na ito.
3. Cancer
Ang pinaka karaniwang uri ng cancer na nadudulot ng paninigarilyo ay ang lung cancer o kanser sa baga. Ayon sa mga pag-aaral, ang paninigarilyo ay nakakapagdulot din ng cancer sa iba't ibang bahagi ng katawan, kasama na dito ang cancer sa bato, sa atay at sikmura (stomach cancer)
4. Nakaaapekto ito sa reproductive system
Ang mga lalaki at babaeng naninigarilyo ay maaring mahirapang makabuo ng bata. Maari ding maapektuhan ang kalusugan ng bata kapag ang kanyang ina ay naninigarilyo habang siya ay nasa sinapupunan nito.
Answer:
Wala
Explanation:
Dahil ang paninigarilyo ay masama sa kalusugan kung saan pwede kang magkasakit dahil sa paninigarilyo.tss.