What is your Opinion about (pamalo O pangaral) at Katwiran
Please answer it correctly.
Share
What is your Opinion about (pamalo O pangaral) at Katwiran
Please answer it correctly.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang pamalo ito ay ginagamit ng mga nanay upang makinig at umayos ang kanilang mga anak depende kung dika mahal ng magulang mo dahil minsan yung iba namamalo ng walang dahilan or parang walang paki sa bata abuse na ganon, pamalo ay nakakasakit physical
Pero ang pangaral ito yung sinasabihan ka ng mga magulang mo upang mag sumikap ka at makamit mo ang iyong mga pangarap or maintindihan mo yung mga dapat mong gawin o yung mga ginawa mong mali para dimo na maulit ito naman ay nakakasakit ng damdamin
Explanation:
Answer:
Sabi nila, buti pa ang mga bata noon, disiplinado. Bahay at eskwela lang ang kanilang mundo. Ang kanilang gawain ay ang mag-aaral at tumulong sa mga gawaing bahay. Ngayon, karamihan sa mga bata ay madalas na nasa labas ng bahay, gala rito at gala roon. Kaya nga maraming napapabalitang mga bata na napapahamak. Bihira na lang rin silang mag-aral. Para sa kanila, makapasa lang ay ayos na kahit pa sabihing ang kanilang grado ay pasang-awa lang. Hindi na nga nakakatulong sa bahay ay nagiging sakit pa ng ulo. Syempre, hindi ito hinahayaan lang ng mga magulang. Marapat na habang bata pa lang ay madisiplina na upang sa kanilang paglaki ay hindi sila mapariwara.
May dalawang istilo na ginagamit ang mga magulang, ang pagbibigay ng pangaral o sermon at ang pamamalo. Noon pa man ay ginagamit na ang istilo ng pamamalo sa pagdidisiplina sa mga bata at may mga iba na ginagamit pa rin ito hanggang ngayon. Maski nga sa mga eskwelahan noon ay ganito ang sistema. Mas madadala umano ang mga bata sa ganitong paraan. Kapag sila’y pinalo, hindi na nila uulitin ang kanilang ginawa dahil sa takot na paluing muli. Subalit sa kabila nito, ano ang natututuhan ng bata? Ang maging disiplinado upang hindi mapalo? Ang mag-aral para makasagot sa tanong ng guro at hindi mapalo? Nasaan ang aral doon? Kaya nga nariyan ang pagbibigay ng pangaral, mula sa salitang-ugat na ‘aral’. Ito na ang ginagamit ng mga magulang sa ngayon pagdating sa pagdidisiplina sa kanilang mga anak. Sa ganitong paraan, mauunawaan ng mga bata kung bakit nagalit ang kanilang mga magulang. Mapagtatanto rin nila na mali nga ang kanilang ginawa. Higit sa lahat, alam na nila ang hindi at dapat nilang gawin sa susunod.