What shape is used to represent the data symbol?
Share
What shape is used to represent the data symbol?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
1.Ito ay ang unang parte sa isang serye kung saan kikilalanin natin ang QGIS at kung anu-anong mga bagay ang maari nating gawin dito. Hindi naman ito bago. Napakaraming mga lathala sa internet kung saan maari tayong matuto tungkol sa QGIS. Halimbawa ay ang dokumentasyon at mga materyales sa website ng QGIS mismo.
Siguro ang pinagkaiba nito ay isinulat ito sa wikang Filipino sa pagbabakasakali na mas madali itong maintindihan at mas maging kaaya-aya sa mga kapwa ko Pilipino at upang mas marami rin ang ma-enganyong magbasa at matuto tungkol sa QGIS at sa FOSS4G (Free and Open Source Software for Geospatial). Kayo ay malayang isalin ito sa inyong mga wika kung inyong nais. Paumanhin na din kung hindi ako ganun kagaling o katatas sa Filipino. Bikol (Ligao City represent!) ang pangunahing wika ko noong bata ako at mas nasanay na rin akong gumamit ng Ingles pagdating sa pagsusulat.
Ang unang parte na ito ay tatalakay sa mas pangkalahatang paksa ng Geographic Information Systems o GIS bago tayo tumungo sa QGIS sa mga susunod na parte. Ano nga ba ang mga pangunahing konsepto na kailangan nating matutunan tungkol sa GIS?
Ano ang Geographic Information System (GIS)?
Ang Geographic Information System (GIS) ay isang sistema ng impormasyon kung saan ang gumagamit nito ay may kakayahang kumuha, magimbak, magbago, magmanipula, magsuri, at magpakita ng mga datos na may kaaikbat na impormasyon tungkol sa lokasyon na tinatawag ding geographically-referenced o spatially-referenced data. Ang GIS ay isang kagamitan na maaring gamitin upang sagutin ang ating mga katanungan na may kinalaman sa lugar o kaya ay lokasyon. Halimbawa: Ano ang pinaka-malapit na Jollibee sa bahay namin?, Ilan ang mga karinderya sa bayan namin?, Gaano kalayo ang paaralan ko sa mga ospital at istasyon ng pulis?
Mga parte at tungkulin (parts and functions)
Karamihan ng mga modernong GIS ay mayroon ng mga sumusunod na parte at kayang gampanan ang mga sumusunod na tungkulin:
Mga parte o sangkap ng GIS
Hardware: Ito ay ang mga makinarya, instrumento, at iba pang aspetong pisikal (kompyuter, cellphone, atbp) na ginagamit upang magampanan ang mga tungkulin ng GIS.
Software: Ito ay ang mga programs at applications (sa kompyuter, cellphone, o sa internet) na ginagamit upang magampanan ang mga tungkulin ng GIS.
Method: Ito ay tumutukoy sa sining at siyensya sa likod ng GIS – paano ginagawa ang mapa, mga pormyula sa pagsusuri, atbp.
Data: Ito ay mga impormasyon na ginagamit sa GIS na maaring mayroon o walang kaakibat na lokasyon (hal: pangalan ng tao, lokasyon ng bahay, lawak ng lupa, atbp).
People (Tao): Ito ang mga tao na marunong at may kakayahang gumamit ng GIS upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan tulad ng mga siyentista, espesyalista, at mga gumagamit ng GIS para sa kanilang trabaho. Maari rin isama ang mga kaswal na gumagamit ng GIS bilang libangan o sa pansariling rason.
Sapagkat ang GIS ay isang sistema, hindi ito magiging matagumpay kung may kakulangan sa mga sangkap nito.
Halimbawa: Kahit mayroon tayo ng pinakabagong software kung hindi naman ito kayang patakbuhin ng kompyuter natin, hindi rin natin ito magagamit. Pwede rin na bago ang software at kompyuter natin ngunit hindi naman kumpleto o maganda ang datos na mayroon tayo kaya hindi rin magiging maganda ang kalalabasan ng pagsusuri gamit ang GIS. O kaya naman ay kumpleto ang software, hardware, at datos natin subalit wala sa atin ang may kakayahang gumamit ng GIS, di pa rin magiging matagumpay ang ating proyekto o kung ano man ang nais nating makamit gamit ang GIS.
Sa aking opinyon, ang tao na marahil ang pinaka-importanteng parte ng GIS. Kapag nagkaroon ng kakulangan sa ibang parte ng GIS, ang taong magaling at maalam sa GIS ay kayang punan ang kakulangan na ito gamit ang kanyang karunungan, karanasan, at pagkamalikhain.
Mga tungkulin ng GIS
Ang isang GIS ay dapat kayang:
Kumuha ng datos mula sa tunay na mundo.
Mag-imbak ng nakuhang datos sa makabuluhan at kapaki-pakinabang na digital formats.
Baguhin ang datos kapag kinakailangan.